Chapter 33: Blast from the past

1.6K 56 7
                                    

Chapter 33: Blast from the past

Third Person POV

Kasalukuyang nasa suffering room si Cloud kung saan inaasar niya ang mga nakakulong at mga sugatang sina Mimi at iba pang kagrupo nito .

"Miss niyo naba ang prinsesa niyo?"

mapanuyang sambit ni cloud saka ngumisi ng mapang-asar. Napatingin naman sina Mimi at Master G nang marinig na magsalita si Cloud.

Samantalang si Simon ay nasa isang tabi lang at ngumingisi habang pinapanuod ang pekeng pamangkin na inaasar ang mga preso nila.

"hayop kayo.." nanggagalaiting bigkas ni Mimi. Umaasang masisira ang harang na Sphere sa Pamamagitang ng pagsuntok dito. Ngunit bigo siya dahil sadyang matibay nga ang salamin na ito. Idagdag pa na lubusan na siyang nanghihina dala ng gutom .

"nasaan ang anak namin? " gaya ng asawa ay anumang oras ay sasabog na si Master G sa galit .

Ngumiti lang si Cloud . Tila natutuwa sa inaasal ng mag asawa . Sa pamamagitan lamang ng boses ni Cloud ay mapapapunta niya na si Queen sa tabi niya.

"Queen .. " mahinang sambit ni Cloud .

Bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito ang nakakatakot na itsura at awrang nakapalibot kay Queen .

Otomatikong tumulo ang luha ng mga magulang niya at sabik na sabik mayakap ang nagiisang anak nila . Ngunit di nila magagawa ang bagay na iyon . Wala silang magawa kundi tignan sa malayo ang prinsesa nila .

"Baby .. p-please.. I know you can escape to that damn poison! I'm your mom baby . please, I miss you honey." hagulgol na sambit ni Mimi habang nakalapat ang mga palad sa makapal na glass sphere .

Tinignan lang siya ni Queen ngunit umiwas lang ito ng tingin. tila ba'y walang narinig .

"I know you can make it princess. You're a Queen, nobody or nothing can defeat you. please fight for us . Fight for yourself. " nanginginig na boses ni Master G habang pilit na pinipigilan ang luha .

Ngunit gaya ng ginawa niya sa kaniyang ina ay umiwas lang din siya na parang walang narinig . Ramdam ng mag asawa ang lamig sa mga titig nito .

isang halakhak ang pinakawalan ni Simon at cloud bilang pangaasar sa mga magulang ni Queen .

"4 left. " walang emosyong sambit ni Queen.

"good . Napagod kaba?" Cloud

Umupo na rin si Queen sa tabi ni Cloud at tila ba nananadyang iparinig sa magulang nito ang pinaguusapan nila upang ipagyabang na panalo na siya at wala ng makakakuha pa kay Queen mula sakaniya.

Blaze (Blake's dad) POV

"Medyo pagod ang araw na to. Kainis lang kasi tiniis ko ang baho sa ilalim ng lupa mahabol lang yung luke!" asar na reklamo ni Queen .

Nakakapagtaka lang talaga na paano niya nakita ang matagal ng tinatago na karayom na yun?

Nasa isang tagong lugar yun sa Academy pero ng ipawasak na yun ni Master lucas ay walang nakitang treasure box kung saan dun yun nakatago .

ang akala namin ay may kumuha lang na kung sino at tinago ito sa isang ligtas na lugar .

akala namin nasa tamang kamay ang black needle ..

Di kaya si Simon ang sumadyang kunin ito dahil una palang ng pagpapanggap niya ay plano nya na talaga to at ang masaklap, damay pa ang mga anak namin.

Sana nga matalo ng katawan ni Queen ang lason ,

kung hindi ako nagkakamali .

nasira na ni Cloud ang tablet niya kung saan nandoon nakaprogram ang utak ni Queen , mabuti nalang at kusa niya itong sinira . masyadong siyang kampante na di na babalik sa dati si Queen, nakalimutan niya yatang may dugong Humphrey at may dugo ng makapangyarihang Special gangster ang ginamit nya , hindi basta basta si Queen . Maaring ngayon, bumabalik na siya sa katinuan , pa unti unti.

Special GangstersWhere stories live. Discover now