Chapter26: secret room

1.6K 70 0
                                    

Chapter 26: Secret Room

--

Third Person POV

Tuluyan na ngang napadpad ang dalawa sa likod ng pader. Di nila akalain na may lihim na kwarto pala ang Information Room ng Eskwelahang pinapasukan nila.

Labis ang pagtataka nila kung bakit may ganitong tagong lugar sa kwarto nato.

Nang ilibot ni Water at Ice ang kanilang paningin ay nagulat sila nang makita ang mga nakadikit na pamilyar na mga litrato sa pader .

Nandito ang litrato ng mga magulang nila , pati narin ang mga picture nila. Ang iba'y mga stolen shots pa.

Nakadagdag sa pagtataka nila ng makitang may nakasulat na malaking itim na Ekis sa ibang litrato .  Lumapit sila sa mga natitirang litrato na namumukod tanging wala pang ekis . At ang mga ito ay ang mga mukha nila Mimi,Master G,Myrna,Blaze at Hiro .

"Ang papa ko. Anong ibig sabihin ng may mga ekis ?" ani Ice na hinahawakan ang mukha ng ama na kahit sa litrato lamang . Bakas dito ang pangungulila.

"Maybe they're dead ? Look, ang mga natitirang walang ekis ay nakakasama pa naman natin ngayon . So it means .. ---

"They are planning to kill our parents. They wanted to kill the Former Special Gangsters. Including Us, as a present SG." Pagpapatuloy ni Ice sa hinala ni water .

Nilibot ni Ice ang kabuuan ng tagong silid hanggang sa makita niya ang napakataas na Bookshelf.

"Ang taas naman ng bookshelf na to." saad ni Ice na tinitingala ang bookshelf na may taas na 20Feet. Halos umapaw na ito sa dami ng makakapal at malalaking libro.

"teka? diba eto yung nerd? bakit magkasama sila ni Queen sa litrato?" takang tanong ni Water ng mapansin ang picture na nakadikit lang rin sa pader.

Lumingon si water ng mapansing wala sa likod niya si ice. Nakaramdam siya ng konting inis ng mapagtantong wala palang nakikinig sa sinasabi niya.

"Ice ?" pagtawag niya .

"Nandito ako sa taas. hehe" Ice

"anung ginagawa mo dyan?"

"malay mo may matuklasan ako sa mga libro na to. " sambit ni ice saka bumalik sa pagkalikot .

May hagdan sa gitna ng mala-higanteng bookshelf kaya mabilis na nakaakyat si Ice . Tila pinasadyang ipagawa ang ganito kalaking aklatan .

"Bumaba kana dyan Ice, we need to get out of here . Kailangan natin sila mabalaan tungkol kay kent!" sigaw ni Water . Animo'y naghi-hysterikal na.

"wait. may nakita akong mga libro, nakasulat ang Confidential Book of Secrets. Saluhin mo dalawa lang to ha" Ice at saka unti-unting binuhat ang malalaking libro at handa ng itapon kay Water mula sa taas .

Water Princess POV

*Blag.*

"eto pa." ice

*Blag*

"Fuckshit Ice! di mo sinabi na ganito kakapal ang mga librong to! ouch."

reklamo ko ng binato niya sakin mula sa itaas ang dalawang sobrang kapal na libro.

hello . ang bigat kaya!

kamusta naman ang mga maliliit na braso ko -.-

"tayo na. alis na tayo tutal may nahanap naman na tayong interesante." sambit ni Ice .

Pinikturan ko na din ang mga nakadikit na litrato sa pader, baka sakaling makatulong to .

"Paano tayo lalabas? malamang naiinip na kakahintay satin sila Sir crale" ako

Special GangstersWhere stories live. Discover now