Chapter11: his Revenge

2.7K 86 0
                                    

Chapter 11: His Revenge

Third Persons POV

Nagising si Queen sa isang higanteng Sphere at siya ay nasa Loob nito, nakatali ang kamay at paa habang nakatayo. May takip din ng itim na tela ang kanyang mga mata.

Pilit kinakalas ni Queen ang mga nakatali sa buong katawan niya ngunit bigo siya dahil hindi basta basta ang mga ginamit na pantali dito.

"Wag mo ng pagudin ang sarili mo Queen."

Napahinto naman sa pag galaw si Queen ng marinig niyang magsalita isang malamig na boses at animo'y napaka-laki ng galit sa mundo.

Nakakaramdam man ng kaba ay di nito pinapahalata .

Kung kaya't ngumisi na lamang ang dalaga at nagsalita,"you Must be the Sheneseii Leader. And if I'm not wrong, You're taking your revenge for your father's death."

Matapos sabihin ni Queen ang mga salitang yun ay gumuhit ang isang mala-demonyong Ngisi ng Lalaki, "Oops.You're wrong Ms.Queen, I'm not the Leader but I am his Right Hand."

"So, on the other hand, You're just his SLAVE. Pathetic!" Mapanuyang saad ni Queen dahilan ng pagkuyom ng mga palad ng lalaki.

Tila nagpantig ang mga tenga ng lalaki at sumigaw ng napakalakas .

"SHUT UP! Patulugin na ulit yan! Masyadong matabil ang dila!" Galit na utos ng lalaki sa mga alagad nito.

Ngumisi muli si Queen . Sa panahong ito ay wala na siyang magagawa pa kundi ang ipakitang hindi siya magpapatalo.

Paglipas ng ilang segundo ay nagkaroon ng mga usok sa loob ng higanteng Fiber Glass Sphere na siyang nagpatulog kay Queen makaraan lamang ang limang segundo.

Pumasok ang lalaki sa isang kwarto kung nasaan ang Leader nila.

"Wag mo siyang pakinggan. " malamig na saad ng Leader.

Ngumisi Lang ang lalaki at diretsong nakatingin sa tinatawag na Master kahit na bata pa ito.

"Alam ko . Pareho tayo ng pananaw. Iisa ang layunin natin kaya walang lugar ang pagiging mahina."

Tumango lang ang Leader at muling humigop ng Kape sa kanyang tasa.

"Sa tingin ko, Oras na para ilagay sakaniya ang bagay na to." Saad ng Leader at inangat ang isang maliit na itim na karayom.

"Yes Master." Saad ng kanang kamay.

Hinagis ng Leader ang karayom at anu ano'y nasalo agad ito ng lalaki gamit lang ang kanyang mga daliri.

Humalakhak ng malademonyo ang dalawa na umalingawngaw sa buong kwarto.

"Tignan natin kung matatakasan pa ni Queen yan."

Huling bigkas ng Leader at kinuha ang tablet kung saan naka-program at makikita niya ang bawat galaw ni Queen once na pumasok na ang maliit na karayom sa katawan nito. Maaari na nilang kontrolin ang dalaga anumang oras.

Fire POV

"My ghad! Hira, Baby nasaan kanaba. Ajujuju waaaaah! Ang baby kooooo!"

Fuck.

Ang sakit ng tenga ko kanina pa!

Nasaan naba kasi yung Queen na yon? Bigla nalang nawala sa gitna ng labanan.

Pero ang pinagtataka ko lang ay nung biglang nawala si Queen ay siya namang pag konti ng mga kalaban ..

Shit. Sana mali ang hinala ko ..

"Honey. Gagawin ko ang lahat mahanap lang natin si Hira." Saad ng daddy ni Queen sa nag aalalang tinig.

Two Days na ang nakakalipas simula ng biglang mawala si Queen.

Special GangstersWhere stories live. Discover now