Chapter 14th

1.6K 54 5
                                    

Zander's POV

Pucha ! Ayoko nang maglakad mag-isa dito sa mall. Nakakainis ! Tch. Hinabol ako ng limang bakla ! Langya talaga !

Nung nagtingin-tingin ako ng mga cellphones bigla na lang nila akong nilapitan. Hindi ko sila pinansin at umalis na lang pero lintik ! Sinundan pa din nila ako ! At ang worst HINAWAKAN NILA ANG MAGANDA KONG ABS !

FVCK !!

Sumigaw ako ng rape kahit na maraming nakatingin sa'min wala akong paki basta ilayo lang nila sa'kin ang limang baklang 'to ! Baka hindi ko mapigilan at masuntok ko sila sa pangha-harrass nila sa'kin dito sa mall. Buti na lang at pinalayas sila ng guard. Tch.

Tangna talaga !

WALANG SINUMANG BAKLA ANG PWEDENG HUMAWAK SA MAGANDA KONG ABS ! PSH !

Bumalik ako sa parlor ni tita Kris. Baka tapos na 'yung si panget. Pagpasok ko hindi ko makita si tita.

"Excuse me, nakita niyo ba si tita Kris ?" tanong ko dun sa ka-trabaho niyang babae.

"Ah .. Nandun siya sa dressing room. Inaayusan 'yung costumer niya." sabi niya sabay turo sa dressing room.

So hindi pa pala sila tapos ? Hay .. Hihintayin ko na lang sila dito. Umupo ako sa sofa at kumuha ng magazine. Para hindi ako ma-bored sa kakahintay sa kanya.

"Oh hi ! My dear nephew !" sa wakas lumabas na din si tita. Siguro naman tapos na niyang bihisan si panget.

"Tita, tapos na ba siya ?" tanong ko.

"Oh of course !" proud na proud na sabi niya.

"So .. Nasaan siya ?"

"Ay .. Hindi pa pala siya lumabas ? Sabi ko naman sa kanya na sabay kaming lalabas eh." pumunta ulit siya sa dressing room. "Iha, halika na. Lumabas ka na." tapos hinila-hila niya pa si panget. Tch. Ang arte ng panget na 'yun. Para namang magbabago ang mukha niya.

"E-eh .. N-nahihiya ako .."

"Oh my ! Ano ka ba wala kang dapat ika-shy ! Dapat nga ipakita mo sa world ang beauty mo."

I sigh. Nag-iinarte talaga ang panget na 'yun. Umupo ulit ako at kumuha ulit ng magazine. Mukhang mahabang pagtatalo pa ang magaganap bago siya lumabas.

"Oh dear nephew ! Here she is !" sigaw ni tita.

(A/N: Please play the song habang binabasa niyo 'to --->)

Tumingin ako sa harap at nalaglag ang hawak kong magazine. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis agad ang tibok ng puso ko. Parang bumagal ang takbo ng oras nang dahan-dahan siyang naglakad sa harap ko.

Nakasuot siya ng puting sleeveless na shirt na may drawing na skull pero parang drawing ng bata. Tapos maikling short na kulay pink at sandal na kulay black na may ribbon. Nag-iba na rin ang buhok niya. May kulot sa bandang dulo at nilagyan din siya ng kulay light brown at may bangs pa siya.

(A/N: See the picture --->)

SI PANGET BA TALAGA 'TONG NASA HARAP KO ? SIYA BA TALAGA ANG PERSONAL MAID KO ?

Tangna ! Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko. Fvck this ! Nakaka-bading ! Pucha !

"Oh diva ? Ang ganda niya 'no ? Hahahaa ! I'm so so proud of my work !" halakhak ni tita Kris.

Tumingin siya sa'kin and she smiled. "S-sir Zander .."

Pucha ! Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nanatili pa rin akong nakatitig.

"Sir ..? Uh .. Hello po ..?" she waved her hand in front of me kaya natauhan ako.

I blinked many times to make sure na hindi 'to panaginip lang. NA SI PANGET TALAGA 'TONG KAHARAP KO.

"Hoho ! Masyadong natulala ang dear nephew ko sa beauty mo. Ano my dear nephew ? Ang ganda ng girlfriend mo 'no ?" tanong ni tita.

"Uh .. Y-yeah .." I answered softly.

"Actually, nilagyan ko lang siya ng light make-up tutal naman maputi na siya eh. So .." pumunta siya sa likod ni panget at hinawakan ang magkabilang braso nito. "What can you say about my creation ?"

Napalunok ako. Tumingin ako sa kanya at ganun din naman siya sa'kin. Shit na malagkit ! Nababading na'ko dito ! Man up, Nicole Zander !

"W-well .." napahawak ako sa batok. "S-she's .. Uh .. Beautiful .." sabi ko in a low voice.

"Ano ? Hindi ko narinig .." si tita nanunukso pa eh !

"I SAID SHE'S DAMN BEAUTIFUL." I said while looking straight into her eyes.

Nanlaki ang mga mata niya. And she blushed.

"Wonderful ! Splendid ! Haha ! Kaya dali gumora na kayo sa date niyo !" tinulak niya si panget papunta sa'kin buti na lang nasalo ko siya. Pag-angat niya nagtama ulit ang mga mata namin. At sobrang magkalapit ng mga mukha namin.

"Uh .. S-sorry po." umayos siya ng pagkakatayo. Tumingin siya kay tita. "Um .. Ma'am, magkano po ba ang babayaran ko ?"

"Oh don't worry, my darling ! Libre na lahat 'yan kaya go go go ba kayo sa date niyo !" tinulak niya kami palabas ng parlor. "Mag-enjoy kayo sa date niyo okay ? My dear nephew take care of your girlfriend."

What ?! "Tita, she is not my girl --" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinara na ni tita ang glass door ng parlor niya. "Friend .." dugtong ko.

Napasabunot na lang ako. Aish ! Tinignan ko ulit si panget na busy sa paglalaro ng buhok niya. God ! I didn't know that she has this kind of beauty. She's like a GODDESS..

"Uh .. Sir ..?"

"What ?"

"May gusto pa po ba kayong bilhin ?" tanong niya.

Oh yeah. Since may drawing ang suot niyang damit na skull dapat ganun din ang suotin ko.

"Mayroon. Let's go." nauna akong maglakad. Nakasunod lang siya sa likod ko.

"Wow pare. Chicks oh ! Ang ganda."

"Sandali lang pare ah. Hihingin ko number niya."

Tumingin ako sa dalawang lalaking nagbubulungan at ang lagkit ng mga tingin nila sa PERSONAL MAID ko. Gusto yata nilang mawala sa mundo eh. Makakabugbog ako dito ng wala sa oras !

At dahil mabagal maglakad ang panget este babaeng 'to agad siyang nilapitan nung lalaki.

"Hi miss. Pwede ko bang kunin ang number mo ?" ang kapal ng mukha ng sira-ulong 'to !

"H-ha ..? A-ah ano kasi .."

I had enough. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Lumpapit ako sa kanila at INAKBAYAN SI PANGET ESTE ANG PERSONAL MAID KO.

"Excuse me. May kailangan ka ba sa GIRLFRIEND ko ?" sabi ko and I gave the guy my deadliest glare. Napaatras siya at halatang natakot.

"A-ah .. Pare, g-girlfriend mo pala siya ?"

"Oo." hinalikan ko ang ulo niya. Nagulat siya sa ginawa ko. "BABE, KILALA MO BA ANG LALAKING 'TO ?"

Hindi siya nagsalita instead she just shook her head. I smirked at tumingin sa lalaki. And once again, I gave him my deadliest glare. Ang kinatatakutan na glare sa gangster world.

"I'M WARNING YOU. STAY AWAY FROM MY GIRLFRIEND. GOT THAT ?"

"O-opo .. S-sorry po .. Sorry din, miss." umalis na ang asungot.

Tch. Takot pala siya eh. Walang binatbat. Kulang na lang maihi siya sa sarili niyang pantalon dahil sa takot.

Umalis na din kami habang nakaakbay pa rin ako sa kanya. "Listen to me, huwag na huwag mong ibigay kahit kanino 'yang number mo." bulong ko.

"Po ? Anong number ?"

"Tch. Ang slow talaga. Cellphone number mo ang tinutukoy ko."

"Wala naman po akong cellphone eh."

I stopped and look at her na nakakunot ang noo. Is she for real ? Wala siyang cellphone ? Like what the heck ?

Langya naman .. Tch.

***

Late UD .. :)

Comment and vote .. :)

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon