Chapter 13th

1.7K 62 11
                                    

Zander's POV

Damn it ! Gusto kong i-untog ang ulo ko sa manibela ! Fvck ! Kailan pa ako naging mahiyain ? Tatanungin ko lang naman si pangit kung kumusta na ang mga sugat niya. But it turned out na mali ang sinabi ko.

Instead pinagsabihan ko siya na magbihis dahil pupunta kaming mall.

Way to go, Nicole Zander ! Psh.

Bakit ba kasi sa tuwing kaharap ko ang pangit na 'yun ninenerbiyos ako ? Why ? What the heck happened to me ? Hindi naman ako ganito sa mga babae eh !

But .. Argh !

Tok tok

Tumingin ako sa bintana ng kotse ko nang may marinig akong katok mula sa bintana. Binaba ko ang salamin at bumungad sa'kin ang mukha niya.

"Sorry po kung pinaghintay ko kayo, sir Zander." paumanhin niya.

"Tch. Just get in the car." utos ko.

"Okay po."

Akmang papasok siya mula sa likod nang pigilan ko siya.

"Hey ! Where the heck do you think your going ?" tanong ko.

"Um .. Sasakay po ? Diba sabi niyo sasakay na'ko ?"

"Huwag kang sumakay dyan sa likod ! Pinagmumukha mo akong driver ! Dito ka sa harap umupo !"

"Sa tabi niyo po ?"

Aish. "Oo. Hurry up !"

"E-eto na nga po." pumunta agad siya sa kabila at binuksan ang pinto tsaka siya sumakay.

"Seatbelt." sabi ko.

"Po ?"

Aish ! Isa na lang talaga makakatikim ng sapak sa'kin ang babaeng 'to. Ang slow masyado eh.

No choice kaya ako na lang ang naglagay ng seatbelt sa kanya. Pagkatapos ay pinaandar ko na ang kotse.

*

Hm .. Ano bang magandang gawin dito sa mall ? Niyaya ko siya tapos wala man lang kaming gagawin ? Ano pagala-gala na lang kami dito hanggang matapos ang araw ? Hell no ! That's freaking boring !

Kanina pa kami palakad-lakad dito. Patingin-tingin sa mga naka-display. Tiningnan ko siya sa likod. Mukhang nasisiyahan naman siya sa panonood ng mga display dito. Nakangiti pa nga oh. First time ba niyang pumasok ng mall ?

Tumigil ako sa men's section. Tinignan ko 'yung mga damit.

"Sir, mahilig po pala kayo mag-shopping ?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Sa halip pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa mga naka-display na damit.

"Girl, tignan mo 'yung boy oh. Ang cute niya !"

"Idagdag mo pa ang salitang gwapo !"

Hindi na'ko magtataka kung bakit nila ako pinag-uusapan. Syempre sa gwapo kong ito, imposible na hindi sila mahuhulog sa'kin.

Tumingin ako sa harap ko at nakita ko ang dalawng babaeng nakatingin sa'kin at nagbubulungan pa. I smiled at them at kinilig naman sila.

"Kyaa ! Ngumiti siya sa'tin !"

"Crush ko na siya !"

Hmp. Babae nga naman. Ngumiti lang ako kinilig na sila. Likas na talaga na habulin ako ng mga babae. Haha.

"Sir Zander." lumingon ako at nakita ko si panget ba may dalang isang kulay na itim na damit. "Tingnan niyo po ang nakita kong damit. Ang cool diba ? Sa tingin ko bagay 'to sa'yo, sir." tapos pinakita niya sa'kin ang damit. Kulay itim na may drawing na skull at may ekis sa likod nito. Tapos may nakasulat pa na salitang ASTIG sa ibaba.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon