Chapter 19th

1.9K 68 5
                                    

Joshleen's POV

"May kailangan ka pa ba ? Sabihin mo lang sa'kin." sabi ni Zander.

Ngumiti lang ako at umiling. "Wala na po."

"Oh damn it ! I forgot the medicine. Wait, I'll just go get it. Babalik din ako." sabi niya. Lumabas siya ng room.

Huminga ako ng malalim. Ano ba talaga ang nangyayari kay Zander ngayon? Kaya ko naman alagaan ang sarili ko eh. Lagnat lang naman 'to at kayang-kaya ko 'to. Pero nakakapanibago ngayon si Zander. Siya mismo ang nag-alaga sa'kin. Hindi niya ako sinusungitan o sinisigawan.

Nag-iba yata siya ? Bakit kaya ?

"Here." nagbalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses niya. May dala siyang tray na may nakalagay na baso at mga gamot.

Umupo siya sa silya katabi ng kama ko. Kinuha niya ang baso tsaka ang gamot.

"Drink this." inabot niya 'yun sa'kin.

Kinuha ko 'yun. Nilagay ko sa bibig ang gamot at uminom agad ng tubig. Pagkatapos binigay ko sa kanya ang baso. Nilagay niya 'yun sa tray.

"Kumusta ang lasa ?" tanong niya sa'kin.

"Huh ?" anong lasa ? Ang gamot ba ang tinutukoy niya ?

"Ang gamot. Mapait ba ?"

Tumango ako. Bakit niya naitanong ? "Bakit ? Hindi ka ba umiinom ng gamot kapag may sakit ka ?" tanong ko.

"No. I hate it."

Huh ? Ayaw niya sa gamot dahil mapait ang lasa ganun ba 'yun ?

"Paano ka gagaling kung hindi ka iinom ng gamot ?"

Umupo siya ng maayos. "Hinayaan ko lang ang sakit ko."

"Hinyaan mo lang ? Pa'no kung lumala na ? Hindi ka pa rin iinom ?"

"Kahit na lumala ang sakit ko, hindi pa rin ako iinom ng gamot. I don't want to drink that stupid medicine. It tastes bad."

Para talaga siyang bata. Haha.

"Let me check your temperature." sabi niya. Kinuha niya ang thermometer tsaka niya nilagay sa bibig ko. Humiga naman ako at nagkumot.

"Giniginaw ka ba ?" tanong niya.

"H-hindi. A-ayos lang ako, sir Zander." mahina kong sabi. Naka-on kasi ang aircon dito sa kwarto niya. Nahihiya naman akong magsabi sa kanya. Baka sabihin niya na sinasamantala ko ang pagiging mabait niya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pinatay ang aircon. Tapos ay bumalik siya sa upuan niya.

Maya-maya ay tumunog ang thermometer. Kinuha niya 'yun mula sa bibig ko at tiningnan.

"Tch. Hindi pa rin bumababa ang lagnat mo." sabi niya.

"Sorry po .."

"Huh ?"

"Sorry. Sorry po talaga. Hindi ko na 'to uulitin. Ikaw pa mismo ang nag-alaga sa'kin. Nakakahiya po sa inyo."

Hindi siya sumagot. Nilagay niya ang thermometer sa katabing mesa at tiningnan ako ng sryoso. Alam ko galit siya sa'kin. Dahil sa halip na ako ang gagawa ng mga ginagawa niya ngayon, siya pa mismo ang gumagawa.

"Wala akong kwentang maid. Wala akong silbi." nagtaklob ako ng kumot. Pakiramdam ko kasi naiiyak ako.

Nagulat ako ng hilahin niya ang kumot ko pababa kaya nakita niya akong umiiyak.

Waaa ! Nakakahiya !

Magtataklob sana ulit ako nang pigilan niya ang kumot kaya hindi ko ito naangat.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon