Chapter 23rd

1.5K 52 10
                                    

Karen's POV

Naaawa ako kay bestie. Wala na ang lola niya. Wala na ang kaisa-isang pamilya niya. Ngayon mag-isa na lang siya.

Nandito kami sa sementeryo. Tapos na kasing ilibing ang lola niya. Nakatanaw lang kami kay bestie habang nakatitig siya sa puntod ng lola niya.

Nalaman namin na pinasok pala ng magnanakaw ang bahay ng lola niya. Tapos ayun, walang awang pinatay nung magnanakaw ang lola niya tapos kinuha pa nito ang perang inipon ng lola niya. Napaka-walang puso talaga ang magnanakaw na 'yun! Buti na lang nahuli agad siya ng mga pulis. Ngayon mabubulok talaga siya sa bilangguan!

Tapos na ang exam namin, kaso hindi nakasali si bestie kaya nakiusap kami sa prof namin na bigyan ng chance si bestie. Buti na lang at naintindihan niya ang sitwasyon ni bestie kaya pumayag siya.

"I feel sorry for Joshleen," narinig kong sabi ni Jasmine.

Kasama ko sina Jasmine, Ivan at Zander . Naramdaman ko kung gaano nasaktan si bestie sa nangyari.

Hindi biro ang mawalan ng miyembro ng isang pamilya.

Naisipan kong lumapit kay bestie.

"Bestie.." hinawakan ko ang kamay niya tsaka tiningnan siya.

Nagulat siya tsaka tumingin sa'kin. "Karen, ikaw pala. Ginulat mo naman ako." she smiled. Pero alam kong pilit lang ang ngiting 'yun.

"Tara. Umalis na tayo," sabi niya, still wearing that fake smile. Tapos tumalikod siya't naglakad paalis. Nilampasan pa nga niya 'yung iba.

Mas mabuti kung hahayaan muna naming siyang mapag-isa. She needs time to recover from the death of her lola.

**

Zander's POV

*KUSHIIING!

Nagulat ako nang makarinig akong may nabasag na naman.

"S-sorry," paumanhin ni Joshleen. Lumuhod siya tsaka pinulot ang mga bubog kaso dahil sa ginawa niya kaya nasugatan tuloy siya.

"Joshleen, magpahinga ka kaya muna?" sabi ni Lenny.

"H-hindi na po. Kaya ko naman pong magtrabaho," patuloy pa rin siya sa pagkuha sa mga bubog.

Tumayo ako tsaka kinuha ang kamay niya't pinatayo ko siya. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko kasi hindi ko na matiis na nakikita siyang nasasaktan at nasusugatan.

Hinila ko siya at pumunta kami sa kwarto ko. Pagkpasok namin dun pinaupo ko siya sa kama.

"Stay here," sabi ko. Tumango siya.

Pumasok ako sa banyo at kinuha ang first aid kit tsaka bumalik sa kama.

Umupo ako sa harap niya. Binuksan ko ang first aid kit at kinuha dun ang alcohol at bulak.

Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero bigla niya itong iniwas.

"Akin na ang kamay mo. Gagamutin natin 'yan," sabi ko.

"A-ako na lang po ang gagamot sa sarili ko."

"Tch. Huwag matigas ang ulo. Give me your hand."

Wala siyang choice kundi ang ibigay ang kamay niya sa'kin. Binuhos ko ang alcohol sa bulak tsaka dahan-dahang dinampi sa sugat niya.

"A-aray!"

"Sorry.." hinihipan ko ang kamay niya para mawala ang hapdi nung sugat niya.

Pagkatapos kong linisin ang sugat niya, nilagyan ko ito ng band aid.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon