Chapter 30th

1.1K 32 9
                                    

   Andito kami nina Karen at Jasmine sa mall. Ang sabi nila bibili daw sila ng damit para sa gaganaping party mamayang gabi.

   "Hindi naman ako sasali eh." Sabi ko sa kanila.

   "Hindi pwede! Dapat sumali ka!" Sabi ni Jasmine habang nagtitingin ng mga dress.

   "Oo nga, bestie. Once in a lifetime lang mangyayari 'to. Huwag mo ng palampasin ang chance na 'to." Hinawakan niya ang balikat ko at pinapasok sa loob ng fitting room.

   Inabot naman ni Jasmine ang isang pink na dress. "Suotin mo 'to."

   Hinubad ko ang damit ko at sinuot ang dress na inabot saken ni Jasmine. Pagkatapos at lumabas ako ng fitting room.

   Sabay silang lumingon sakin. Nanlaki ang mga mata nila ng makita nila ako. Tiningnan ko amg sarili ko. "Panget ba?"

   "You look absolutely fab, Joshleen!" Sabi ni Jasmine.

   "Oh my gosh! Ang ganda mo, bestie!" Dagdag ni Kare sabay yakap saken. "Tara bilhin na natin ang dress na 'to."

   Pagkatapos bilhin ang dress sumunod naman ang sandals. Pinili ko 'yung flat kasi hindi naman ako marunong magdala ng sandal na may takong.

   Pagkatapos namin bumili naisipan naming kumain sa Jollibee. Naalala kp tuloy nung kumain kami ng Jollibee ni Zander.

   "Syanga pala, Joshleen." Tumingin ako kay Jasmine. "May date ka na ba para mamayang gabi?"

   "Date? Wala naman."

   "Ano? Bakit wala pa? Hindi ka ba niyaya ni Zander?" Tanong ni Karen. Umiling ako. Napasandal naman si Karen sa upuan niya. "That guy."

   "Okay lang naman na wala akong date para mamaya." Sagot ko.

   "No, no, no and NO. Kailangan may date ka kasi lahat ng pupunta don ay may kasamang ka-date."

   "Eh ikaw? May nagyaya na ba sayo?" Tanong ko kay Karen.

   "Meron na. Si Ivan."

   Nanlaki ang mga mata ko. "Si Ivan?" Hindi ako makapaniwala.

   "Yup. Tinanong niya ako kagabi kung may date na ba daw ako. Ang sabi ko wala pa. At ayun, niyaya niya ako kung pwede ba daw ako ang magiging date niya at syempre pumayag ako." Sabi niya at uminom ng coke.

   "I smell something...love?" Tukso ni Jasmine.

   Muntik namang mabilaukan si Karen sa iniinom niyang coke. "Love? Bestfriend ko siya, uy!"

   "Talaga bang bestfriend mo lang?"

   Pinunasan ni Karena ng bibig niya. "Oo. Bestfriend ko siya." Pansin ko namumula ang mukha ni Karen.

   "Talagaaa?" Nilapit ni Jasmine ang mukha niya kay Karen. "Hindi ka man lang ba nagka-crush kay Ivan?"

   "Well..." Yumuko si Karen. "Inaamin ko may crush ako sa kanya." Bago pa magreact si Jasmine inunahan na siya ni Karen. "Pero crush lang talaga! Diba ang crush means paghanga?"

   "Defensive ka. Masyado kang halata." Sabi ni Jasmine sabay subo ng fries.

   Nanonood lang ako sa kanila habang kumakain ng manok.

   "Anong halata?"

   "Aminin mo na kasi, gusto mo si Ivan eh."

   "Hindi ko nga siya gusto eh!"

   "Gusto mo siya."

   "Hindi nga! Tigilan mo nga ako!"

   Natawa ako sa kulitan nilang dalawa. Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot kami para bumili ng damit nina Karen at Jasmine. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Ivan. Diba nga nanligaw siya sakin? Pero hanggang ngayon wala pa rin akong maisagot. Ayoko naman siyang paasahin kasi baka masaktan siya. Dapat sana hindi na lang ako pumayag na ligawan niya ako.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon