Chapter 20th

1.9K 64 6
                                    

Dedicated to --> Little-Miss-Cutesy.
Salamat sa support! Thank you talaga!

**

Joshleen's POV

Wala na'kong lagnat. Ayos na ang pakiramdam ko. Back to work na bilang personal maid ni Zander--ay, sir Zander nga pala.

"Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" tanong ni Karen. Nandito kasi kami sa canteen. Kumakain tutal break naman namin ngayon.

Tumango ako sa tanong niya. "Oo. Okay na'ko."

"Ano kaya ang masamang hangin ang nalanghap ni Zander? Naku, hindi ko makakalimutan ang ginawa niya nung may sakit ka pa. Akalain mo, pagdating ko wala ka na sa ospital bed tapos sinabi sa'kin nung nurse na may kumuha na daw sa'yo. Kinabahan nga ako akala ko may kunidnap sa'yo 'yun pala si Zander lang pala. That guy!"

"Nagulat nga ako pag-gising ko wala na ako sa ospital, 'yun pala nasa kwarto ako ni Zander." sabi ko.

"Ano? Nasa kwarto ka ni Zander? May ginawa ba siya sa'yo?"

Umiling ako. "Wala naman. Inalagaan niya lang ako."

Naibuga niya ang iniinum niyang juice. "WHAT?! INALAGAAN KA NI ZANDER?!"

"Shh. Huwag kang maingay baka marinig ng mga fangirls ni Zander. Oo nga inalaagan niya nga ako. Nagtataka nga ako sa kanya eh. Hindi ko aakalain na aalagaan niya talaga ako."

"Wow. Laki ng pinagbago ng ugok na 'yun."

Totoo. Malaki na nga ang pinagbago ni Zander. Kaninang umaga pinasakay niya ako sa kotse niya. Kaya sabay kaming nakarating dito sa university. Siya din ang nagdala ng bag at mga libro ko. Sinabi ko naman sa kanya na ayos lang na ako ang magdala ng mga gamit pero abg sabi niya baka daw mabigatan ako. Hindi pa daw ako gaano kalakas eh ang totoo naman ayos na talaga ang pakiramdam ko.

Ano kaya ang dahilan ng pagbabago ni Zander?

"Sofia." alam ko kung kaninong boses 'yun. Lumingon ako at nakita ko si Ivan na nakatayo sa likod ko.

"Ivan.."

Umupo siya sa tabi ko. Bakit siya nandito? Bakit wala yata siya ngayon sa tambayan nila?

Pagkaupo niya, tinitigan niya ang mukha ko. Nailang tuloy ako. Ano ba kasi ang meron sa mukha ko? May dumi ba? Panget pa rin ba? Wala pa ring pinagbago?

"B-bakit..?" tanong ko.

Bigla niyang hinawakan ang noo ko. "Mukhang wala na ang lagnat mo." sabi niya.

Ay, kaya pala. "Okay na ako."

"Wala namang ginawang masama si Zander, right?"

"Hm.. Wala naman. Hehe."

"Good. That guy, I'm gonna punch his face for kidnapping you."

"Hehe.." ganun ba sila kagalit kay Zander dahil sa pag-kindnap niya sa'kin? Eh inalagaan lang naman niya ako eh.

"PANGET!"

Umupo agad ako ng maayos nang marinig ko ang boses niya.

"Speaking of the kidnapper. There he is." bulong ni Karen.

"Hey." he tap my shoulder.

"Ah.. Hi po, Zander."

"Bakit hindi ka pumunta sa tambayan namin?"

Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Karen.

"Dahil pinapunta ko siya dito. Bakit may angal ka?" sabi ni Karen.

"Hindi ikaw ang kausap ko, Mikael. So shut up."

"Aba gago ka pala eh! Wala ka pa ring pinagbago 'no, Zander?! Gaya ka pa rin ng dati! Ang sama ng ugali mo!"

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon