Chapter 7th

1.8K 58 3
                                    

Joshleen's POV

Buti na lang wala ang teacher namin sa first subject. Kundi baka palabasin ako at hindi na papasukin sa klase niya. Ganyan kalupit ang teacher namin.

Nung tapos na ang morning class namin nagligpit nako ng mga gamit ko.

"Omg!! Nandyan daw sa labas si Prince Zander!! Kyaaa!!"

"Talaga? Baka nandito siya for me!!"

"Tse! Huwag kang feeler girl. Nandito kaya siya for me."

"Ohmy!! He is sooo gwapooo!!"

Tumingin naman ako sa pinto. Ang daming nagkagulong mga babae. So dito na lang ako sa kabila dadaan.

Binitbit ko na ang mga libro ko. Inayos ko ang salamin ko at lumabas ng classroom. Pupuntahan ko si Karen sa classroom niya. Wala kasi akong kaibigan dito eh. Syempre sino ba namang gustong makipagkaibigan sa isang pangit na tulad ko diba ? =_=

Pagkalabas ko ng classroom, pupuntahan ko sana si Karen nang biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko si sir Zander pala.

"Ah .. sir Zander. May kailangan po kayo ?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita at hinila niya ako.

"Omg ! Did you just see that ?!"

"Sino ang girl na 'yun? Girlfriend niya?"

"I can't believe this!"

Napayuko na lang ako. Hindi ako sanay na pinag-uusapan!

"Sir Zander, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Tumahimik ka dyan." ang suplado niya.

Nakarating kami sa isang lugar. Para siyang tambayan. May tv at sofa pa at nakaupo dun ang tatlong lalaki. At wait, pamilyar sa'kin ang isang lalaking nakaupo ..

"Ivan ?"

Lumingon siya sakin. Habang umiinom ng coke in a can. Nagsalute lang siya. Parang nag-hi sakin. Aaminin ko na ang gwapo niya ngayon. Teka, always naman siyang gwapo eh.

"Hoy ugly four-eyed," lumingon ako kay sir Zander. "Dinala kita dito para utusan hindi makipaglandian." Ang harsh niya!

"Ano po ang iuutos niyo sakin?" tanong ko.

"Kunin mo 'yung pagkain sa cafeteria ngayon din!" sigaw niya.

"O-opo !"

Lumabas ako ng tambayan nila. Ayan na naman siya sa sigaw niya. Kailan kaya siya magbabago?

Tumakbo ako papuntang cafeteria. "Ah manang, 'yung pagkaing pinahanda po ni Zander." sabi ko.

Pinakita naman niya sakin ang mga pagkain at nanlaki ang mga mata ko. Walong kahon ng pizza tapos isang kahon ng cake! Ang dami! Lahat ba nito kakainin nila?

"Kaya mo bang dalhin lahat 'yan iha ?" tanong sakin ni manang.

Hindi ko naman kayang dalhin lahat 'to eh ! Hindi ganun kalaki ang muscles ko para buhatin 'to !

"Opo. Ako na lang po ang nagbubuhat nito." sabi ko. Dahan-dahan kong binuhat ang walong kahon ng pizza at nilagay ko sa ibabaw ang kahon ng cake.

"Ingat ka iha. Baka matumba ka. Daha-dahan lang." paalala ni manang.

Ngumiti ako kay manang kahit na kalahati na lang ng mukha ko ang nakukita niya. Dami kasi ng dinadala ko eh ! Tapos ang bigat pa !

"Kaya ko po manang. Sige po alis nako. Maraming salamat po." tapos naglakad na ako.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon