Chapter 11th

1.6K 51 6
                                    

Third Person's POV

Mag-isang kumakain si Zander sa mesa. It's already 8:45 in the evening. Ang ibang mga katulong ay abala sa kanilang ginagawa. Ang iba ay nakatayo sa gilid niya kung sakaling may iuutos siya.

Tumingin siya sa itaas. Hanggang ngayon kasi hindi pa bumababa si Joshleen.

"Hindi pa ba bumaba si Joshleen ?" tanong niya dun sa katabi niyang maid.

"Hindi pa po, young master." sagot nito.

Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala. Alam niya na mali ito pero hindi niya talaga maiwasang mag-alala kay Joshleen.

"Lenny." tawag niya sa isang maid. Siya kasi ang personal maid ng mama niya.

Agad namang lumapit si Lenny. "Bakit po, young master ? May ipag-uutos po ba kayo ?" tanong nito.

"Tawagin mo nga si pangit. Pababain mo siya ngayon din. Sabihin mo kapag hindi pa siya bababa in 10 minutes I'll fire her."

"Okay po, young master."

Umakyat na si Lenny upang tawagin si Joshleen. Napabuntong-hininga naman si Zander. Nilalaro ng tinidor niya ang steak na nasa plato niya.

*

"Joshleen ?" sabay katok sa pinto ng kwarto ni Joshleen. Ngunit walang sumagot. "Joshleen. Yuhoo ?" sabay katok ulit pero gaya ng dati wala pa ring sumagot.

Naisipan na lang ni Lenny na pumasok sa loob. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Nakita niya si Joshleen na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Lumapit si Lenny at niyugyog si Joshleen. "Joshleen. Huy gising."

"Hm ?" binuksan niya ang kanyang mga mata. "Ate L-Lenny. Bakit po ?" dahan-dahan siyang bumangon dahil sa pananakit ng buo niyang katawan.

"Pinatawag ka ni young master." nanlaki ang mga mata ni Lenny nang may mapansin siya. "Jusko Joshleen ! Anong nangyari sa'yo?! Bakit ang dami mong sugat sa mukha ?"

Ngumiti lang siya. A weak smile. "Wala 'to, ate. Sige po. Bababa na po ako." sinubukan niyang umalis sa kama pero pinigilan siya ni Lenny.

"Huwag ka na lang bumangon. Ang mabuti pa magpahinga ka na lang dyan." sabi nito.

"Po ? Pero hinahanap po ako ni sir Zander. Kailangan kong bumaba baka galit na siya sa'kin. At isa pa po, kailangan kong magtrabaho kundi sesesantihin niya ako."

"Joshleen sa tingin mo ba kaya mong magtrabaho na ganyan ang kondisyon mo ? Nanghihina ka nga kapag bumabangon ka eh ano pa kaya kung magtatrabaho ka. Kaya magpahinga ka muna dyan."

"Pero, paano si sir Zander ?"

"Ano ka ba. Ang daming mga maid dun na pwede niyang utusan. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanya."

"S-sigurado ka ? Hindi ba siya magagalit sa'kin o kaya sesantihin ako ?"

"Huwag kang mag-alala. Siguro naman maintindihan ni young master kung ano ang kalagayan mo ngayon."

Huminga siya ng malalim. "Okay. Ikaw na sana ang bahalang magpaliwanag sa kanya."

"Of course. Now humiga ka na ulit para bumalik ulit ang energy mo. Sabado pa naman bukas kaya sigurado ako na marami tayong gagawin."

Tumango siya at binigyan ng matamis na ngiti si Lenny. "Maraming salamat, ate Lenny."

"Wala 'yun."

Lumabas na si Lenny mula sa kwarto ni Joshleen. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Para na kasi niyang kababatang kapatid kung ituring si Joshleen.

Bumaba na siya upang sabihin kay Zander na hindi muna makakababa si Joshleen.

*

Zander's POV

"Ano ? Bakit ?" tanong ko kay Lenny.

Ang sabi niya kasi hindi daw makakababa si pangit. Bakit naman ? Tinatamad ba siya ?

"Eh kasi young master ang tamlay niya kasi. Tapos nanghihina rin po ang katawan niya. Ang dami rin niyang sugat sa mukha kaya sinabi ko po sa kanya na magpahinga muna siya baka kasi hindi niya makayanan ang mga trabaho dito sa mansyon dahil sa panghihina ng katawan niya." paliwanag ni Lenny.

Wait, tama ba ang dinig ko ? May mga sugat siya sa mukha ? Kaya pala panay ang yuko niya at ayaw niyang ipakita sa'kin ang mukha niya nang makarating siya dito sa mansyon.

"Is she still sleeping right now ?" tanong ko.

"Yes young master." sagot niya.

That's the reason kung bakit hindi siya bumababa mula sa kwarto niya. Pero bakit may mga sugat siya sa mukha ? Nakipag-away ba siya ?

"Lenny, bring me the first aid kit."

"Bakit young master ? Aanhin niyo ang first aid kit ?"

"Huwag ka na lang magtanong. Just bring me the first aid kit. Tch."

"Okay, young master."

*

Pagkabigay sa'kin ni Lenny ng first aid kit agad akong nagpunta sa kwarto ni pangit.

Great. I can feel my hands trembling. I'm nervous. Damn it!

Okay relax. Here I go.

Tok tok

"Ate Lenny ? Ikaw ba 'yan ?" sigaw niya mula sa loob. Gising pala siya ? Ang sabi ni Lenny tulog siya ? Are they making fun of me ?

"Open the door." I said.

Natahimik siya saglit. Then suddenly bumukas ang pinto.

"S-sir .. Zander .." sabi niya. Nakatakip ang ibabang parte ng mukha niya ng mask.

Pumasok ako sa kwarto niya at umupo sa kama at doon nilagay ang first aid kit.

Sinara niya ang pinto at tumingin sa'kin. "Ahm .. B-bakit po kayo n-nandito, sir ?" tanong niya.

I know na tinatago niya ang mga sugat niya sa ilalim ng mask na 'yan.

"Sit." I tap the bed beside me.

Huminga siya ng malalim. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko nang nakayuko.

"Sit straight. Huwag kang yumuko." I said.

"A-ano kasi .. S-sir Zander .. Inuubo po ako. Baka mahawa po kayo sa sakit ko." she said. Still nakayuko pa rin.

I sigh. Then I touch her face at pilit ko itong tignan.

"Let me see your goddamn face !" galit na sabi ko.

At last hinayaan niya akong tingnan ang mukha niya. Tinanggal ko muna ang suot niyang mask and I look closely to her face.

Namamaga ang kaliwang pisngi niya. Tapos pumutok ang labi niya na parang sinuntok. At meron pa siyang ibang kamot sa iba't ibang parte ng mukha niya.

God !

"What the hell happened to your face ?!" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay may pumatak na luha mula sa mga mata niya.

"Damn it ! Who the fvck did this to you ?" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Ah !" napaungol siya. Don't tell me .. Dali-dali kong tinignan ang braso niya at bumungad sa'kin ang namamaga niyang braso.

Fvcking hell ! Papatayin ko kung sino man ang may gawa nito sa kanya ! Shit !

***

Wait for my next UD .. :)

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon