Chapter 21st

1.6K 57 12
                                    

Joshleen's POV

"Yo." nagulat ako nang makita ko si Ivan paglabas ko ng gate. Bakit siya nandito?

"Uh… good morning?" lumapit ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito sa tapat ng mansyon ni Zander?"

"Sinusundo ka." sabi niya.

"Eh? Sinusundo ako? H-hindi mo naman kailangang gawin 'yun eh. Maglalakad lang naman ako."

"No. I insist." binuksan niya ang kotse niya. "Sakay."

"P-pero…"

"Please?" nagpuppy-eyes pa siya sa harap ko. Anak ng shonga! Ngayon ko lang nakita si Ivan na ganito! Grabe ang cute niya! Ang hirap tanggihan!

"S-sige…"

Sasakay na sana ako aa kotse niya nang biglang…

"HOY PANGET!"

Boses pa lang niya kilalang-kilala ko na. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang papalapit sa'min.

"Sir Zander… a-akala ko po umalis na kayo." hindi ko kasi siya nakita sa loob ng mansyon eh. Tapos nung kinatok ko siya sa kwarto niya hindi naman siya sumagot kaya inisip ko na baka nauna na siyang umalis.

"Nag-cr lang ako saglit sa kwarto ko." binalingan niya si Ivan. "What the hell are you doing here?" galit na tanong niya.

"Sinusundo ko si Sofia. May problema ka ba dun?" maangas na tanong ni Ivan.

Uh-oh. Hindi ko gusto ang atmosphere dito. Parang mag-aaway na sila eh.

"Yes. She's my personal maid and she will come with me." sabi ni Zander. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya kay Ivan.

"No. She will come with me." sabi naman ni Ivan.

Nalilito na'ko dito. Can somebody please tell me what's going on?

"Um… magco-commute na lang ako papuntang paaralan." sabi ko sa kanila.

"NO!" they said in chorus.

Eh? Male-late na'ko sa klase eh.  Ano ba talaga ang gusto nila?

"Ang mabuti pa si Sofia na lang ang magdesisyon kung kanino siya sasabay." sabi ni Ivan.

Ako? Magdesisiyon? Para saan? Hindi ko talaga sila gets eh.

"Now you choose Sofia. Kanino ka sasabay? Sa akin o kay gago?"

"Sinong tinatawag mong gago ha?!" bulyaw ni Zander.

'Yun pala ang pinag-aawayan nila? Kung kanino ako sasabay ngayon?

"Uh…" palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naman eh! Ang hirap mamili! >_

"Uh…u-una na'ko sa inyo! Bye!" sabi ko taka ko sila tinalikuran at tumakbi palayo. Narinig ko na tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko sila nilingon.

*

Hingal na hingal ako pagdating ko sa classroom. Pinunasan ko din ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng kamay ko. Wooh! Natakasan ko rin sila.

Pumunta ako sa upuan ko at umupo. Tumingin na lang ako sa labas tutal malapit lang naman 'tong upuan ko sa bintana.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa kanilang dalawa. I mean, bestfriends sila. Hindi sila dapat nag-aaway. Tapos parang pinag-aagawan pa nila ako.

They're acting… strange.

*

"Tulala ka? Okay ka lang?" tanong ni Jasmine.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon