Chapter 28th

1.1K 37 8
                                    

Day 2

Pangalawang araw na ng school's featival. At gaya nung dati, busy na busy kami sa booth namin. Mas dumagdag kasi ang mga costumers namin kumpara kahapon. At sigurado ako madadagdagan pa 'to sa mga susunod na araw.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap 'to. Pero nag-eenjoy naman ako.

"Excuse me, miss." Napatigil ako sa paglalakad nang may humila ng skirt ng dress ko. Pagtingin ko, nakita ko ang dalawang babae at 'yung isa ay may hawak na cellphone.

"Yes?"

"Pwedeng pa-picture sa'yo? Ang cute mo po kasi!" Sabi nung girl na may hawak ng cellphone. Sa palagay ko mga elementary pa ang dalawang babaeng 'to.

"Okay. Walang problema." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Pagkatapos ng picture ay umalis ba sila. Nagpunta naman akp sa mini-kitchen namin.

"Okay ka lang, Joshleen?" Tanong ni Maggie, kaklase ko at ditp siya sa kusina na-assign. Magaling kasi siyang magluto tsaka mag-bake. Syempre may mga kasama din siya na tutulong sa kanya.

"Medyo pagod ako. Ang dami kasing gustong magpa-picture sa'kin. Pero kaya pa naman ng katawan ko." Sabi ko kay Maggie. Pero sa totoo lang, gusto ko munang magpahinga kahit saglit lang. Nangangalay na kasi ang mga binti ko kakatayo. At halos mahilo na din ako dahil sa sunod-sunod ng order.

"Don't push yourself too hard, Joshleen. Ang mabuti pa magpahinga ka muna. O di kaya ay maglibot-libot ka at tingnan ang ibang booths ng ibang sections."

"Pero paano ang iba? Ang mga costumers? Paano kung Hanapin nila ako?"

"Don't worry about the costumers," biglang dumating si Karen. "Tama si Maggie. Wala ka pang pahinga kaya kailangan mo muna ng break. Kamin na ang bahala sa mga costumers dito."

"Sigurado kayo?"

"Of course."

Ngumiti ako sa kanila. "Okay. Salamat."

Tumayo ako at lumabas ng classroom namin. Pero hindi ko inaasahan na may naghihintay pala sa'kin paglabas ko.

"Ivan?" Tanong ko sa kanya.

Umalis siya sa pagkakasandal mula sa dingding at lumapit sa'kin. "Hi, Sofia. Break mo rin ba?"

Tumango ako. "Oo. Ikaw din?"

"Yup. Nahihilo na kasi ako sa loob. Order dito, order doon. Tch. Halos hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko dahil sa sobrang dami ng babaeng tumatawag sa'kin."

Natawa ako bigla. "Pareho din tayo. Ganyan din ang sitwasyon ko doon sa booth. Pero masaya ako dahil first time kong maranasan ang ganito. Kahit na medyo nakakapagod. Hehe."

"Basta huwag mong pagurin ang sarili mo." Tapos nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko. "Ayokong nakikita kang napapagod o nahihirapan. Kung kailangan mo ng tulong andito lang ako." Then he gave me a sweet smile.

Nahawa ako sa ngiti niya kaya napapangiti na lang din ako.

"Wanna go to the cafeteria? My treat." Sabi niya sa'kin.

Tumango ako ay sabay kaming pumunta sa cafeteria. Bumili siya ng pagkain at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

"Salamat nga pala sa libre, Ivan."

"You're welcome."

Ang bait talaga nitong si Ivan.

Habang kumakain kami bigla na lang may nahagip ang mga mata ko. Sa isang table di malayo sa amin, nakita ko si Zander...na may kasamang ibang babae.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon