Chapter 22nd

1.8K 50 20
                                    

Zander's POV

Habang nagtuturo ang prof, pa-simple akong tumingin sa tabi ko. I stare at her face. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo siyang gumaganda. But she's still wearing those thick eyeglasses.

Seryoso siyang nakikinig sa discussion ng prof. Nakapatong ang chin niya sa kamay niya habang ang isang kamay niya ay may hawak na ballpen. Dun niya siguro sinusulat ang mga lectures ng prof.

Bigla siyang lumingon sa'kin. Nagulat ako at the same time siya din. Mabilis akong tumingin sa harap at kunwaring nakikinig.

Fck. Nahalata niya siguro na kanina ko pa siya tinititigan!

*

Joshleen's POV

Kaya pala pakiramdam ko may nakatitig sa'kin. Pagtingin ko si Zander pala. Mabilis siyang tumingin sa harap. Nagtaka naman ako dun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit niya kaya ako tinitigan?

May dumi ba ang mukha ko? Naligo naman ako kaninang umaga ah?

Ay ewan! Bahala na nga!

*KRIIING!

"Okay before you leave, may announcement muna ako. Monday na ang exam niyo kaya ang gusto ko mag-aral kayo ng mabuti. Huwag puro relax lang. And to make it more exciting, ang hindi makakpasa sa exam, I'm sorry pero bagsak kayo sa subject ko. That's all and you may go." kasabay nun ang paglabas ni prof ng classroom.

Nagulat ako sa sinabi ni prof. Friday ngayon tapos Monday na ang exam namin?! Waaa! Makakapag-aral pa kaya ako?

At ano pa daw? Kapag hindi kami pumasa bagsak na agad? Waaa! Mukhang kailangan ko talaga mag-aral neto!

"BESSSSTIIIE!"

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Karen. Kanina pa siya sigaw ng sigaw eh nasa harap ko lang siya.

"I'm sooo glad na inilipat ka dito sa section A. Classmates na tayo!"

"Nagtataka nga ako eh. Bigla akong nalipat dito nang hindi man lang ako na-inform."

"Bakit? Hindi ba sinabi sa'yo na lilipat ka dito?"

Umiling ako. "Hindi."

"Hmmm... parang may idea na ako kung sino 'yun." tumingin siya kay Zander. "Hoy, Zander."

Napatigil sa pagte-text si Zander at tumingin kay Karen. "What?"

"Ikaw ang naglipat kay Bestie dito sa section A 'no? Aminin mo!"

"Tch. Ano naman kung nilipat ko siya dito?"

Eh? Si Zander ang naglipat sa'kin dito?

"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ni Karen.

Nag-shrug lang siya. "That's none of your business."

"None of your business your ass! Che! Halika na Bestie! Iwan natin 'tong siraulong 'to!" tapos hinila ni Karen ang kamay ko patayo.

Pero nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Zander ang isa kong kamay.

"Saan mo siya dadalhin?" tanong niya.

"None of your business!" ganti naman ni Karen.

"It's my business because she's my personal maid. Kung saan man ako pupunta sasama siya." tumayo si Zander at hinila ako palabas ng room.

"Hoy Zander! Ibalik mo siya!" narinig kong sigaw ni Karen.

"Sht!" biglang siyang tumakbo kaya napatakbo din ako.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon