Chapter 5th

1.7K 49 2
                                    

Joshleen's POV

Time check. 5:30 am.

Maaga akong nagising. Syempre first day ko ngayon sa trabaho bilang personal maid ng anak ni ma'am Ally na si Zander. Kahit na sobrang antok pa ako at gusto ko pang matulog. Idagdag mo pa ang malambot na kama na 'to na sa sobrang lambot ay ayaw ko nang bumangon. Hihiga na lang ako forever!

Naligo ako at nagbihis. Sinuot ko 'yung damit na binigay sa'kin ni Lenny kagabi. Tapos bumaba ako para tumulong.

Tumulong ako sa kusina. Syempre marunong akong magluto! Minsan nga pinagluto ko pa ang lola ko. Hay.. bigla ko tuloy na-miss si lola. Kumusta na kaya siya? Sana ayos lang siya.

Pagkatapos sa kusina hinanda ko naman ang lamesa. Nilagyan ko ng baso, plato, kutsara, tinidor at ang dami pang dapat ihanda sa lamesa. Ganito pala ang trabaho ng isang katulong.

Maya-maya ay bumaba na si ma'am Ally. Bihis na bihis siya at mukhang may lakad siya.

"Good morning po, ma'am Ally." Bati ko. Syempre ngumiti ako. Dapat maging magalang ako.

"Good morning, Joshleen." Bati niya. "Gising na ba si Zander?"

"Uh.. hindi pa po yata."

Umupo si ma'am Ally. "Batang 'yun talaga. Baka ma-late siya sa pasok niya. Pakigising naman siya Joshleen."

"Ah.. opo."

Umalis muna ako at pinuntahan siya sa kwarto niya. Mabuti na lang at magkatapat lang ang kwarto namin. Kumatok muna ako. "Ah.." huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Sir Zander?"

kru kru
kru kru

Aba walang sumagot. Baka tulog pa. Kumatok ulit ako. "Sir Zander?"

Wala pa ring sagot. Hinawakan ko ang doorknob at nagulat ako kasi hindi pala ito naka-lock. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at slowly akong pumasok sa kwarto niya. Wow, ganito pala ang itsura ng kwarto ni sir Zander? Ang dumi!

Seryoso ang dumi nga! Ang daming nakakalat na damit. Pero kaninong mga damit kaya 'to?

Lumapit ako kay sir Zander na mukhang natutulog sa kama niya nang nakadapa. "Sir Zander, gising na po." Niyugyog ko ang braso niya. Ang smooth ng skin niya! Shet inggit ako!

"Hmm..." ungol niya.

"Sir Zander gising po ba kayo?"

Hindi na naman niya ako sinagot.  Seriously? Natutulog pa rin si sir kahit na umaga na? Hm. Baka puyat. Pero kailangan ko siyan gisingin eh. Utos 'yun sakin ni ma'am Ally.

Kinuha ko 'yung kumot. At tumambad sakin ang isang babaeng hubad! Waa! Ang mga mata ko! Bakit may babae sa kwarto ki sir Zander?

"What the?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni sir Zander. "What the hell are you doing here you ugly four-eyed maid?!"

Aga-aga sigaw agad ang natanggap ko sa kanya. "Sir Zander good morning po." kahit na ganito ang ugali ni sir kailangan ko pa ring respetuhin siya. Syempre amo ko siya eh. "Pinatawag po kayo ni ma'am Ally. Bumaba na daw po kayo para kumain at papasok pa po kayo sa paaralan."

"Tch!" sumandal siya sa kama niya. Ohmyulam! Ang ganda ng katawan niya! Shet!

"Hm.. babe? What's wrong?" muntik ko nang makalimutan na may babae pala dito. Pero teka nga muna, siya 'yung babaeng kasama ni sir sa mall! Nung natapunan ko siya ng ice cream!

"Nothing." sagot ni sir Zander. Tapos hinalikan siya ng babae! Tumalikod ako dahil hindi ko gusto ang nakikita ko! Anak ng siopao! Inosente ako!

"Hoy!"

"Shongakupo!" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni sir Zander. "B-bakit po?"

"Linisin mo 'tong kwarto ko!" pasigaw na utos niya.

"O-opo." agad naman akong kumilos. Grabe ang daming nakakalat na mga damit dito! Ano ba kasi ang ginawa nila kagabi? Nagpalitan ng mga damit?

"I'll be going now babe. Thank you for last night. It was really fun." sabi nung babae na ngayon ay nakasuot na ng damit niya.

"Just leave." sabi naman ni sir Zander.

Lumabas naman ang babae. Girlfriend niya kaya 'yun?

"Girlfriend niyo po ba 'yun, sir?" tanong ko.

"Sinabi ko bang magsalita ka?" sabi niya.

Tumahimik na lang ako. Nagtatanong lang naman ako eh galit na agad siya.

Pagkatapos kong linisin ang magulong kwarto ni sir na parang dinaanan ng sampung bagyo sa sobrang gulo, lumabas na ako at bumaba.

"Gising na ba siya, Joshleen?"

Tumango ako. "Opo, ma'am."

"Good. Magbihis ka na din."

"Po? Bakit?" wala naman akong lakad ah.

"Eh diba may pasok ka din? Don't tell me ganyan ang isusuot mo papuntang school?"

School? Ay oo nga pala! May pasok din ako ngayon! Nakalimutan ko schoolmate pala kami ni Zander! Shonga ko!

"Ah sige po." nagbow muna ako at tumakbo n mabilis papuntang kwarto ko. Agad akong nagbihis ng uniform ko. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng istura ko kasi kahit anong gawin ko, wala pa ring magbabago. Pangit ako.

Pagkatapos kong magbihis lumabas agad ako ng kwarto. Sakto naman at lumabas din si sir Zander. Magkatapat lang kasi ang kwarto namin.

"What?!"  ayan na naman siya. Sinisigawan na naman niya ako.

Umiling ako ng maraming beses. "W-wala po, sir."

"Tch."  tinalikuran niya ako at umalis. Ano bang problema niya? Lagi ba siyang may period?

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon