Chapter 15th

1.8K 59 7
                                    

Joshleen's POV

Nandito ulit kami sa men's section. Nakatayo lang ako dito sa tabi at nagtingin-tingin sa mga damit. Ang gaganda kasi nila eh. Tapos ang ganda din ng presyo. Kaso hindi ko sila afford eh. Hanggang tingin lang talaga ako.

Hinila ko ulit pababa ang short ko. Hindi talaga ako komportable sa suot ko. Eh hindi kaya ako sanay magsuot ng ganitong damit. Lagi akong nakasuot ng pantalon kapag may lakad ako. At ang make-up na 'to ? Hindi rin ako sanay eh. Medyo nangangati ang mukha ko.

"Hey. I'm done." nang marinig ko ang boses ni sir tumingin ako sa kanya.

Waa ! Ang gwapo niya. Shet. Kaya pala marami siyang naging girlfriends. Pero may napansin ako sa suot niya. Kulay itim tapos may guhit na skull at ekis sa likod nito ?

Teka, iyan 'yung damit na pinakita ko sa kanya. Sinuot niya talaga ?

He snapped his finger in front of me. "Tulala ka masyado sa kaguwapuhan ko."

I blush. "B-bagay po sa'yo ang suot niyo." I said.

"Alam ko." pumunta siya sa counter. At binigyan ng pera ang cashier.

Lumabas na siya ng men's section. Sumunod lang ako sa kanya. Ang daming mga babaeng nakatingin sa kanya pero siya balewala lang. Siguro sanay na siua na pinagtitinginan.

Tiningnan ko siya. Grabe pati ang paglakad niya nakaka-inlove. The way he walk nakaka-attract talaga. 'Yung mga babae nga napatigil sa paglalakad at napatulala sa kanya. Para kasi siyang isang model kung maglakad.

Hay .. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend niya. Sayang nga lang dahil babaero siya. Wala pa siyang sineseryoso. Para sa kanya laro lang ang lahat.

"Aray." napahawak ako sa mukha ko. Tumigil kasi siya sa paglalakad kaya ayan tuloy, nabangga ako sa maganda niyang likod.

"Oy maid." sabi niya pero hindi siya nakatingin sa'kin.

"Bakit po, sir ?" tanong ko.

"Are you hungry ?"

Hungry ? Tinatanong niya kung nagugutom ba daw ako ? Syempre, oo. Nagugutom ako kanina pa. Eh kasi hindi ako nakakain ng breakfast bago kami umalis ng mansyon. Kaya ayan, gutom ang inabot ko. Plano ko sana na kumain pagbalik namin sa mansyon.

"Hey." tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa'kin. Nakakunot ang noo.

"A-ah .. H-hindi pa po. Busog pa po ako." sabi ko.

Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya na nagugutom ako.

"Tch." tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad.

Hala. Galit ba sa'kin si sir ? Bakit kaya ?

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako sa tabi niya. Ngayon sabay kaming naglalakad habang hawak niya ang kamay ko.

"Dito ka nga sa tabi ko. Baka kasi may mambastos na naman sa'yo." sabi niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang nakukuryente ako dahil magkahawak ang kamay namin. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Ganito din 'yung naramdaman ko nung hinawakan niya ang kamay ko nung papasok kami sa university.

Ano 'tong pakiramdam na 'to ? Nakakapanibago .. Hindi ko maintindihan ..

Tumigil kami sa harap ng dalawang fastfood. Ang isa ay Jollibee 'yung isa naman Mcdo.

"Saan mo gusto ?" tanong niya.

Naguguluhan ako sa ginagawa ni sir Zander. Pili daw ako sa dalawa kung Jollibee ba Mcdo.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon