24th Chapter

1.6K 64 9
                                    

Joshleen's POV

Nandito kaming tatlo nina Karen at Jasmine sa may bulletin board. Ngayon kasi ang result ng exam namin last week.

"Bestie! C'mon!" sabi ni Karen habang hila-hila ang kamay ko papunta sa bulletin board.

"S-sandali. Kinakabahan ako. Pa'no kung.. Pa'no kung wala pala dun ang pangalan ko? Pa'no kung hindi ako pumasa? Pa'no kung.."

"Tara na!" tuluyang hinila ni Jasmine ang kamay ko papuntang bulletin board.

Habang hila niya ang kamay ko ay nagdasal ako sa aking isipan. Lord, please. Sana talaga pumasa ako! Huhu!

Hindi kami makalapit sa bulletin board dahil sa dami ng mga estudyanteng nagsiksikan para makita ang pangalan nila at upang malaman nila kung nakapasa ba sila o hindi. May nakita akong ibang estudyante na malungkot, ang iba naman ay masaya.

"KYAAA!! NANDITO DAW SI PRINCE ZANDER AT ANG MGA KAIBIGAN NIYA!!"

"KYAAAAAAAHHH!!!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ng mga babae. Lumapit ako sa bulletin board, huminga ako ng malalim, pinikit ang mga mata ko at pinagtiklop ang mga kamay ko.

Lord, sana pumasa ako! dasal ko.

Nagulat ako nang maramdaman kong may nag-pat ng ulo ko. Tumingala ako at nakita ko si Ivan. Katabi ko naman ay si... Zander? Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Eh? Kelan pa sila nakarating sa tabi ko? Ay di bale na nga!

"Nervous? Did you already see the result?" tanong ni Ivan. Oo nga pala, ang result.

"Natatakot ako, eh."

"Don't be. You've study hard to pass the test," lumingon ako kay Zander nung magsalita siya. "And actually, your hardworks are all worth it."

Worth it? Ibig sabihin.. Tumingala ako at tuluyang tumingin sa bulletin board..

1. Reyes, Joshleen Sofia - 98.9

Napatulala ako nang makita ko ang pangalan ko sa number one. Panaginip lang ba 'to? Pa-simple kong kinurot ang kamay ko. Ouch. Nasaktan ako. So, hindi 'to panaginip!

Then I felt somebody pat my shoulder. I look at him. "Congratulations for passing the exam. You did a really great job," sabi niya.

Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang ako napaiyak. Nataranta naman si Zander nang makita niyang umiyak ako.

"T-teka, why are you crying?" tarantang tanong ni Zander. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Hala ka, Zander. Pinaiyak mo si Joshleen," tukso ni Cyrus kay Zander.

"Lagooot ka kay Ivan!" pati na rin si Julius.

"Shut up, you fools!"

Pinunasan ko ang mga luha ko. Para akong baliw dito, tumatawa ako habang umiiyak. Weird, right? Pero mas nangingibabaw ang kasiyahan dito sa puso ko.

"OMG! Bestie, congrats! Pumasa ka!" nilapitan naman ako nina Karen at Jasmin.

"You got the top 1 of our exam. Congrats!"

Grabe ang saya ko! Sobra!

--

LA, California...

Third Person's POV

Nakaupo sa balkonahe ng kanilang mansyon ang isang babae. Nakatanaw lang siya sa malayo at tila malalim ang kanyang iniisip.

Nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang butler.

"Handa na ba ang lahat?" tanong niya nang hindi lumingon.

Mr. Badboy Meets Ms. GoodgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon