CHAPTER 4

4 0 0
                                    

-Damien Ravanna-

"Ibebenta ko po to."

Hindi ko alam kung sa anong paraan nakuha ng boses nayun ang atensyon ko at nilingon ko ito. Siguro ay talagang nakatakda lang na makita ko siya ngayon. As expected, tama naman talaga lahat ng intels ng  Moonlight Palace. Talagang dito nga ang kanyang tahanan, well in the papers it is but in reality. I doubt it. She is not clementine and im sure of it.

"Po? 100 coins? I thought this is worth around a hundred silver!"

That hairpin of hers? Worth a hundred silver? Tsssss. Its not even gold or jade or diamond or any rare crystals. 100 coins is already a good deal for her.

"Sabihan mo sa bantay na sundin ang gusto niya."

Sabi ko kay one na nasa gilid ko at kumakain ng desserts.

"Po?"

Takang tanong nito sabay tingin sa dereksyon ng tinuturo ko at walang tanong na sinunod naman ang utos ko.

"This hairpin looks nothing special, why would you accept this for a hundred silver my lord?"

Tanong ni One nung makabalik na ito dala ang hairpin. Kinuha ko naman ito sakanya at sinuri ang lumang hairpin na ito. Its indeed worthless.

"That's none of your business anymore."

~•••~

-Lucky/Clementine-

Nakabalik kami ng mansyon ng walang nakakapansin na umalis kami. Syempre, magaling ako magtago eh!

"Bat niyo naman po isinangla ang hairpin nayun, mahal na prinsesa?"

Napatingin ako kay nara ng magreklamo ito. Hawak ko kase ngayon ang isang bag na may laman na isang daang batong pilak. Yun yung presyong binigay sakin kaya tinanggap ko na. Naisip ko lang kase, hindi ba at m*mamat*y ako sa ending dahil sa pag ibig nga daw ayun sa novel, ginawa pa talagang romeo at juliet yung kwento no! Nam*m*tay ng lead yung writer, naawa pa talaga kase yung female lead lang pin*tay, di na sinali yung male lead para masaya.

So ayun nga! Naisip ko lang, what if umalis ako sa kwento? Diba hindi na matutuloy yung ganong wakas? I mean magpapakalayo layo ako sa pamilyang to, lilibutin ko nalang ang mundong ito ni writer, para hindi mag move yung story! Since hindi parin talaga nag momove yung story, kase nga yung sa chapter two dapat kami magkikita ng male lead ko, ililigtas niya dapat ako sa tubig nun, pero walang lumigtas sakin, isang misteryosong pwersa lang ang humila sakin pataas.

"Kase mag iipon ako ng pera! Aalis ako sa pamilyang ito!"

Sagot ko sakanya. Nagtataka naman ako nitong tiningnan.

"Anong ibig niyong sabihin prinsesa?"

Napahinga ako ng malalim. Ang klaro ng sinabi ko diba? Bat ba kase kailangan ulit ulitin? Kagaya nalang nung klarong sinabi ng teacher namin na 'get one whole piece of paper' tas may isang unggoy na magtatanong uli ng 'one whole ma'am?' Nakaka high blood! Buti nalang talaga hindi ako yung teacher kundi yung estudyante!

"Ilabas mo lahat ng mga gamit ko na may halaga."

Sabi ko nalang. Ayaw kong ulitin yyng kanina eh. Ma ge gets niya rin naman yan mamaya.

"Bakit po?"

Tanong nito.

"Basta. Gawin mo nalang."

She Fell In Love With The Devil's SmileWhere stories live. Discover now