CHAPTER 1

16 0 0
                                    

CHAPTER 1

Sa rooftop ng isa sa pinakamataas na building sa bansa, nakatayo ang isang babae sa gilid, puno ng luha ang mga mata nito at basang basa ang katawan na para bang naulanan, kahit na mainit naman ang panahon.

"Bw*s*t na buhay toh! Ayoko na! M*m*t*y kana Lucky Hernandez!"

Sigaw nito saka pinikit ang mga mata at tuluyang tumalon sa building.

Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niya nalang ang kanyang sarili sa ilalim ng tubig, kaharap ang isang babae na kamukhang kamukha niya, ilang segundo silang nagtitigan bago tuluyang naglaho ang kamukha niya sa kanyang harap sabay ng paghila sakanya ng isang malakas na pwersa paahon ng tubig.

She then finds herself being carried by a blurry vision of a man with white hair before completely losing consciousness.

"She does looks a lot like someone. Interesting."

Bulalas ng lalaki bago inihiga sa tabi ng puno ang babae. Maganda ito at maputi. Mabaha ang buhok at kaakit akit ngunit puno ito ng galos na mukhang mula sa isang labanan.

"But where did she came from?"

Tanong nito sabay tingin sa kalangitan.

"Surely, she didn't come from this world."

Napangisi nalang ito bago tuluyang umalis.

~•••~

-Lucky Hernandez-

"Aray po! Dahan dahan lang po!"

Angal ko dito. Nakaupo ako ngayon sa kama sa isang malaking silid na puno ng mga kagamitang antique at vintage. May dalawang gumagamot sa mga pasa ko na nakasuot ng puting damit, isang lalaki at isang babae. Mukhang yung lalaki yung doctor tas yung babae ay nurse.

Sa gilid naman ng kama ay isang babae na halos kaseng edad ko lang, nakatayo lang ito na para bang binabantayan ako. Nagpakilala siya sakin kanina, siya daw si Nara, ang lady in waiting ko daw. Like, are they crazy?! I dont even know them!

Naguguluhan na nga ako eh. Paanong napunta nalang ako bigla sa kagubatan sa gilid ng isang cliff!!! Eh kanina lang nasa city ako! Nasa rooftop ng pinakamataas na building ng bansa! Nakakabaliw na talaga to! Ano ba talagang nangyayari?!

Tapos sino yung kakaiba ang kasuotan na lalaki kanina? Kaseng haba ng isang babae ang puting buhok nito at yung kasuotan ay parang pang ancient times. Nasan na kaya siya? Bigla kase ako nawalan ng malay tas paggising ko may mga kawal na at bigla nalang pinalibutan ako saka lumuhod sa harap ko. Ganda ko siguro kaya nag popropose! Di char! Hehe.

Bigla nalang ako nilang tinawag sa pangalan na hindi naman akin. Clementine! Princess Clementine!
Tas ayun kinaladkad ako dito sa mansyon nato na mala palasyo ang laki. Nagpumiglas kase ako, abay malay ko kong anong balak nila sakin! Kidnap? Wala akong pera! Pano kung ibenta nila yung lamang loob ko! Ang cruel naman nun! Kawawa ako! Kaya syempre nagpumiglas ako!

What i didn't expect is yung pagkamalan nalang ako na ibang tao. No matter how much we look alike, we couldn't have look exactly the same right? Saka prinsesa? Nagpapatawa ba sila? Sa panahon ngayon wala nang monarchy! Sino kaya sa mga 'GOOD' friends ko ang gumastos ng malaki para i prank ako! Pero hindi naman ata sila ganun kayaman para sa ganito kalaking play diba? Atsaka hindi tugma yung mga pangyayari!

"You're alive? How lucky!"

Isang babae ang pumasok sa silid. Nakagown ito tas yung design is silk na pang ilalim tapos ay yung pang ibabaw ay parang crop top with lots of accessories. Ganern! Ang gara nga eh. Ewan ko lang kong totoong ginto at pilak ang mga yan. Pero nagbagay naman sakanya. Hindi exaggerated ang dating. Galing niya magdala eh.

She Fell In Love With The Devil's SmileWhere stories live. Discover now