As we exit the village, we didn't took the main road instead we went inside the forest and there we made a path by ourselves. Kailangan naming makarating ng danra city sa lalong madaling panahon ngunit base sa bilang namin ay aabutin kami ng isa o dalawang araw makarating lang dun.
Idagdag mo pa na hindi namin kabisado ang daan dito. Tanging sa pamamagitan lang ng compass ay nalalaman namin kung saan dadaan.Mabilis na lumipas ang oras at huminto nga muna kami para magpahinga, wala narin kase ang araw kaya naman ay mas mahihirapan pa kami nito. Pero napag usapan nga grupo na dito nalang muna sa kagubatang ito magpalipas ng gabi.
Aktong uupo na sana ako sa gilid ng puno para magpahinga ng makita ko sa kabila na parang gumagawa sila ng apoy at nagwagi nga sila dahilan para agad akong tumungo doon at tapakan ito hanggang sa mawala ang apoy.
"Ano ba! Bat mo pinatay! Ang hirap gawin nun eh!"
Galit na sigaw ng babae na kaedad lang rin ni celine.
"How dare you raised your voice to her highness!"
Biglang dumating si nara, kasama ang mga dalawang kawal na bumalik sakanila sa inn. Mabuti naman at ligtas silang nakasunod.
"Patawarin niyo po ako, ngunit kahit na isa pa siyang kamahalan ay wala siyang karapatan na gawin nalang yun!"
Sagot niya.
"This empire belongs to the emperor, with her having the royal blood, not to mention destroying the fire you just made, even your life can be taken by her!"
Galit na sigaw dito ni nara. Napunta naman ang tingin ng mga villagers samin. Hinila ko palikod si nara at sinenyasan itong wag nang magsalita.
"We're currently on the run, making fire will just show our location to the enemies."
Sabi ko dito. I atleast know that fact. Reading a lot of novels help me learn a few things too.
"Pero pano natin malalagpasan ang lamig ng gabi? Saka uubusin tayo ng lamok nito at hindi pa natin makikita ang mga hayop na pweding lumapit at magdala ng piligro satin."
Sabi ng isang matanda na nakaupo din sa kabilang puno.
"For the mosquitos, tiisin nalang natin, pero sa lamig, i have an idea."
Sabi ko. Saka tinipon sila. Pinaghukay ko ang ibang kalalakihan ng butas sa lupa na kaseng laki ng bola habang ang mga kababaihan naman ay pinahanap ko ng mga kahoy. Ng matapos ay pinagawa ko sila ng apoy sa ilalim ng hukay pagkatapos ay hinarangan ito ng malaking dahon at lupa sabay lagay ng maliit na butas sa gilid upang labasan ng usok. This will warm up the ground near it. Since yung ilaw lang naman ng apoy ang magbibigay ng lokasyon namin dahil hindi naman ganun ka visible ang usok pag gabi.
"Gusto mo?"
Lumapit ako sa isang pamilyar na bata na nakaupo magisa sa ilalim ng isang puno sabay abot dito ng tinapay na naitabi ko.
"Ate?"
Sabi nito ng mamukhaan ako sabay tanggap at kumain na parang ilang araw ng walang kain. Hinati ko naman ang isa pa at ibinigay kay nara na nagdadalawang isip pa kung tatanggapin ba niya o hindi.
"Ano nga palang pangalan mo?"
Tanong ko dito. Tumingin ito saglit sakin bago muling binalik ang atensyon sa pagkain ng tinapay.
"Tinatawag nila akong dungis."
Sabi nito.
"Nino?"
Tanong ko naman.
"Ng mga naging kakilala ko ring pulubi."
Sagot naman nito.
"Ate."
Pagtawag nito sa atensyon ko.
"Mmhhh?"
"Diba sabi niyo po pagkatapos kong magpagamot ay bibigyan niyo ako ng gantimpala?"
Sabi nito. Naalala niya pa pala yun. Pero anong mabibigay ko sakanya ngayon? Alahas na suot ko nalang ang may meron ako.
"Pwede po bang bilang gantimpala ay isama niyo nalang po ako sa inyo."
Sabi nito. Napatingin naman ako sakanya dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
"Willing po akong maging katulong, utusan o kawal niyo. Bata pa po ako, siguradong magagamit niyo ako, hindi po kayo lugi sakin, kahit isang tinapay lang po bawat araw at pwede din pong sa higaan ako ng mga kabayo tumuloy."
Sabi nito dahilan para mapangiti ako ng may halong kalungkutan at awa sa bata. A mere piece of gem cant really be compared to a shelter and food for people like him.
"You wanted to follow her? I bet you'll get exploited by her. Mas maganda kung hingan mo nalang siya ng pera."
Biglang sulpot ni celine sabay bigay ng tubig na kinuha nila. Mukhang malayo dahil halos dalawang oras ang grupo nilang nawala.
"Mauubos lang yun ng ilang araw o kung malasin ay mananakaw sakin. Mas mabuti pang may matuluyan at araw araw na may magbigay sakin ng pagkain, ayus lang kahit ituring pa akong hayop na nadagdag sa alaga."
Sagot ng bata. Sa murang edad ay napakalawak ng pag iisip niya. Siguro ay dahil narin sa mga karanasan niya.
"Hindi ko naman kailangan ng hayop na aalagaan."
Sabi ko. Nakita ko sa mga mukha nito ang pagkadismaya.
"Pero kailangan ko ng tao upang maging tagapagsilibi ko, simple lang naman ang gagawin, kagaya lang ng ginagawa ni nara at may masarap at maganda kapang pagkain at kwarto."
Lumiwanag naman ang mukha nito.
Pero agad ding nawala ang ngiti namin sa mga labi ng makarinig kami ng isang malakas na pagsabog mula sa dereksyon ng capital ng End City."San ka pupunta?"
Tanong ko kay celine. Sinundan ko kase ito ng tumungo siya sa masikip na dereksyon ng kagubatan ng natutulog na ang karamihan.
"Kailangan kong bumalik."
Sabi nito.
"Baliw kaba?!"
Inis na pigil sa pagsigaw na sabi ko dahil nga sa ayaw kong makagising ng mga natutulog.
"Kelly is there! Nandun siya sa camp!"
Sagot niya.
"Ano naman?! Kung nandun siya wala na siya! Hindi mo ba narinig ang pagsabog?!"
Galit na pigil kong pagsigaw na sabi.
"Hindi mo alam. Malaking kasalanan ang nagawa ko hindi lang kina aunt amye and uncle henry, kundi pati sa emperyong ito. Ngayon, kailangan kong ayusin! Kailangan kong subukan!"
Sabi nito. Ano bang pinagsasabi niya? Tungkol ba to sa topography map?
"Kung tungkol toh sa topography map. Kasalanan ko rin yun! Ginawa mo yun para sakin diba?!"
Sabi ko dito ngunit sarkastiko lang itong natawa.
"Hindi lang yun ate. Mas malaki pa ang nagawa kong kasalanan kesa sa inaakala mo."
YOU ARE READING
She Fell In Love With The Devil's Smile
Fantasy"Wait----Did i enter the novel i was reading?!" - After jumping off the 100th floor of the building, Lucky woke up in a completely different world, having a completely different character. She became the female lead in the novel she was reading, Cle...