"Rod akala ko ba napag-usapan na natin ito?" Naiinis na sabi ni Imee.
"Hon naman. Hindi pa naman ako nakakapag-file eh. Pinag iisapan ko pa naman ito ng mabuti diba?" Mahinhin na Sabi ni Rodrigo sa kanyang Asawa. Alam niyang galit na din ito sa kanya at halatang halata iyon sa boses ng asawa niya.
"Pinag-iisapan Rodrigo? Akala ko ba nakapag desisyon na tayong dalawa ha? Na hindi ka tatakbo sa pagka- presidente." Pasigaw na Sabi ni Imee. October pa lang kasi ay pinag-usapan na nila iyon dahil maraming mga taong nang iingganyo kay Rodrigo na tumakbo sa pagka presidente. Sadyang may puso para sa bayan ang asawa ni Imee ngunit ayaw niya itong papasukin sa mundo ng politika.
"Hon na realized ko na mas madami akong magagawa at matutulungan kung tatakbo akong Presidente." Malambing na sabi niya sa kanyang asawa kahit na tumataas na ang boses ni Imee.
Marahil ay nasa dugo na talaga nila ang pagkapolitiko, dahil ang yumaong ama ni Rodrigo ay naging Gobernador at Mayor din ng Davao.
"Talaga? Rodrigo! Kaya mo silang tulungan kahit hindi ka mag presidente. Para saan pa pala ang pag-uusap natin noon kung ipipilit mo naman 'yang sayo." Galit na Sabi ni Imee.
"Imee, You're being unreasonable!" Galit na Sabi ni Rodrigo hindi na niya natiis ang galit niya kaya napataas na din ang boses niya.
"Unreasonable? Rodrigo, ayaw ko lang na mapahamak ka at ang anak natin Rodrigo alam mo naman magulo sa mundo ng politika at alam mong maduming makipaglaban ang mga kalaban mo lahat gagawin para manalo at makuha ang gusto." Galit na Sabi ni Imee.
"Hon Imee, please! Try to understand me." Pakiusap niya sa asawa niya.
Ito na yata ang pinakamalaking away nilang mag-asawa sa loob ng pitong taon nilang pagsasama dahil pareho na silang nagsisigawan.
"Try to understand you!? Ngayon naman hindi ako makaintindi! Kanina unreasonable tapos ngayon naman hindi ako makaintindi? Sino ba sa ating dalawa ang hindi makaintindi ha Rodrigo? " Galit na galit na sabi ni Imee.
Mabuti na lamang ay nakila Irene ang kanilang limang taong gulang na anak na si Josefina dahil tuturuan daw ito ng kanyang Tita na mag bake. Nasa katapat lang naman nila ang bahay kaya pumayag na rin siya.
"Alam mo Imee, siguro wala ka lang talagang tiwala sakin. Mabuti pa yung ibang babae dyan na suportado ang kanilang mga Asawa na kahit n—."
Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil agad na dumapo ang kamay ni Imee sa kanyang kaliwang pisnge. Nakita ni Rodrigo ang mapulang mga mata ni Imee na umiiyak na.
"Pasensiya ka na ha! Hindi kasi ako sila. Hindi kami magkakatulad ng ibang mga babae. Si Imee ako, yung Asawa mo." Umiiyak na sabi ni Imee.
"Yun na nga. Asawa kita, kaya sana naman suportahan mo na lang ako dito." Giit ni Rodrigo.
"Paano kita susuportahan alam mo namang matagal na akong tutol dyan sa pagpasok mo sa politika. Pinayagan na kita noon na tumakbo sa pagka mayor pero ngayon hindi na ko papayag lalo na kung maging presidente ang gusto mo. Lalo lang tayong mag-aaway kung ipipilit mo yang gusto mo."
Napabuntong hininga na lang si Rodrigo at nagpipigil pa din lalo ng inis at galit.
"Bukas na ipapasa ang COC sa pagka-presidente."
"Makasarili na kung makasarili hindi kita susuportahan sa pagtakbo mong presidente at kung itutuloy mo yan, maghiwalay na lang tayo." Sagot ni Imee saka na ito umakyat papuntang kwarto.
BINABASA MO ANG
Unsupportive Wife
FanfictionWhat is more important to you, your family or politics? What if? because of your desire to enter politics, you suddenly lost your family. Warning!!! This story is just fiction it didn't happen in reality or in real life so don't take it seriously.