Chapter 26

77 5 1
                                    

Rodrigo's POV

Nandito kami ngayon sa malacanang gumagawa kami ng hakbang kung paano namin makukuha si Zia. Hindi na ko mapakali dito nasa tabi ko lang si Imee na hanggang ngayon naluluha pa rin siya. Alam kong natatakot siya.

Hindi ko akalain na magagawa sakin ni Alexa yun. Tinuring ko siyang sarili kong kapatid at pinagkatiwalaan ko siya. Kahit na hindi siya umamin alam kong siya yun.

"Mr. President kapag tumawag yung kidnaper pwede natin malaman kung saan yung location niya basta i-connect lang natin yung cellphone mo sa computer." Sabi ng isang pulis.

"Sige." Sabi ko.

Binigay ko yung cellphone ko. Alam ko tatawag ulit yun. 

Naghintay pa kami ng ilang oras pero wala kaming natatanggap na tawag mas lalo akong kinakabahan baka ano ng nangyari sa anak ko. 

"Rod ilang oras na tayong naghihintay pero wala pa rin tumatawag." naiiyak na sabi ni Imee.

"Kumain ka muna hon kagabi ka pa hindi kumakain." sabi ko.

"Ayoko hon gusto ko makita ang anak ko." sabi niya.

"Hon baka magkasakit ka." sabi ko.

Yumakap lang siya sakin. Hinalikan ko lang siya sa noo.

"Makikita din natin ang anak natin." sabi ko

Biglang may tumawag sa akin. Sinabihan naman ako ng isang pulis na sagutin ko at hinihanda niya na din yung mga gagamitin para ma trace namin kung saan ang location.

"H-hello." 

"Ano na Rod nakapag desisyon ka na ba?"  tanong niya.

"Ibalik mo sakin ang anak ko." madiin na sagot ko.

"Rod ibabalik ko naman siya..... kung ikaw ang kapalit."

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ni Imee.

"Imee huwag kang epal si Rod ang gusto kong kapalit!" Sigaw niya.

Sumeniyas naman yung pulis na putulin na yung linya.

"Pag-iisipan ko." sabi ko.

"Okay fine, tatawag ako ulit dapat may sagot ka na kung gusto mo pang makita at makasamang buhay ang anak mo." sabi niya saka na niya pinatay ang tawag.

"Mr. President alam ko na po kung nasaan siya!" sabi ng pulis.

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Nasa isang abandonadong building sa Tondo sir." sabi niya.

"Ano pang hinihintay niyo? tara na puntahan na natin." sabi ni Imee.

"Hon, huwag tayong padalos-dalos kailangan natin magplano ng maayos." sabi ko.

"Hon, ang anak ko baka ano ng nangyari sa kanya baka hindi pa siya kumakain at baka sinasaktan siya don." naiiyak na sabi ni Imee.

"Mr. President kailangan natin magplano ng maayos." sabi ni James.

Nagpulong kami ng maayos kung ano ang dapat gawin namin para mailigtas ng maayos ang anak ko.

"Papayag ako sa gusto niya na ako ang kapalit." sabi ko

"Hon, hindi ayoko, ayokong mawala ka sakin." Umiiyak na Sabi niya saka niya ako niyakap.

"Hon hindi natin makukuha ang anak natin kung hindi ko susundin ang gusto niya." Paliwanag ko.

Unsupportive Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon