Chapter 17

118 11 5
                                    

Imee's POV

Nandito kami ngayon sa condo nag aayos kami ng gamit dahil gusto ni Rod sa bahay na niya kami titira.

Isang buwan na rin ang nakalipas ng nagkaayos kami bumabawi naman siya sa anak namin lalo na sakin. Nasa malacañang pa siya ngayon siguro pabalik na din yun para sunduin kami dito sa condo.

"Anak okay na ba lahat ng gamit mo?" tanong ko.

"Yes mommy. Are we going to daddy's house?" tanong niya.

"Yes baby don na tayo titira." nakangiting sabi ko.

"Yey! I'm so excited mommy." masiglang sabi niya.

Hindi ko na masyadong dinamihan ang damit ni Zia marami naman siyang bagong damit don.

Narinig ko naman na may nagdoor bell kaya pumunta ako sa pinto para buksan yun.

It's Rod.

"Hi honey" bati niya sakin pagbukas ko ng pinto saka niya ako niyakap at hinalikan sa noo.

"Are you done?" tanong niya habang yakap ako.

"Yes, I'm done na." Sabi ko saka ako humiwalay sa kanya.

"Where's Josefina?" tanong niya.

"Nasa kwarto naglalaro." Sabi ko.

Naglakad kami papuntang kwarto habang naka akbay siya sakin.

"Zia daddy's here!" sigaw ni Rod.

"Hi daddy. I miss you." Sabi niya.

"Miss mo agad ako magkasama lang tayo kaninang umaga." nakangiting sabi ni Rod.

Daddy's girl talaga si Zia malambing sa daddy gusto niya palaging nakadikit sa daddy niya kapag magkasama sila.

"Daddy tapos na po ako mag ayos ng gamit ko." Sabi ni Zia.

"Okay let's go na." Sabi ni Rod.

Inutusan naman ni Rod mga PSG niya para buhatin mga gamit namin.








Pagdating namin sa bahay niya pinaayos niya kaagad yung mga gamit namin.

"Imee yung mga gamit ni Josefina nasa kwarto na niya and yung mga gamit mo nasa kwarto natin." Sabi niya.

Nabigla naman ako sa huling sinabi niya parang namula ako.

Ano ba Imee! malamang mag-asawa pa rin kayo alangan naman sa ibang kwarto ka matulog.

"O-okay s-sige." nauutal kong sabi.

"Are you okay?" tanong niya saka siya mas lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

Parang may mga paro-paro na naman na gustong kumawala sa tiyan ko.

"Y-yeah, I'm okay." Sabi ko.

"Mommy, Daddy!" sigaw ni Zia habang mabilis na bumababa sa hagdan.

"Zia be careful baka mahulog ka." Sabi ko.

"What do you want sweetie?" tanong ni Rod ng makalapit siya samin.

"I want to watch a movie with both of you." Sabi niya.

"Okay let's watch a movie." Sabi ni Rod



Pumunta na kami sa isang kwarto dahil mayroong malaking flat screen tv don na pang cine talaga.
May nakita din naman akong malaking higaan na nasa sahig.

Nagsimula na ang pinapanood namin nasa gitna lang namin si Zia na seryoso sa panonood niya.

Nasa kalagitnahan pa lang ng movie napatingin ako kay Zia na mahimbing na natutulog.

"Rod" tawag ko sa kanya.

"Yes po?" tanong niya.

"Tulog na si Zia ayusin mo muna pagkakahiga niya para hindi siya mangawit." Sabi ko.

"Okay Sige." Sabi niya saka niya inayos si Zia at hinalikan niya sa noo.

"Hindi ka ba muna matutulog?" tanong niya.

"Hindi man ako inaantok." Sabi ko.

Lumipat siya ng pwesto tumabi siya sakin saka niya ko niyakap hinayaan ko na lang siya dahil seryoso ako sa pinapanood ko.

"Thank you so much, Imee." bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"For what?" tanong ko.

"For giving me a chance." nakangiting sabi niya habang nakatingin sakin.

"Bakit hindi ka nagalit sakin?" seryosong tanong ko.

"Because I love you." nakangiting sabi niya.

Nabigla naman ako ng hinalikan niya ako sa labi.


" I love you too, Rod."

Unsupportive Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon