Chapter 10

77 5 2
                                    

Imee's POV

Habang nasa biyahe kami tinatanong ko ang PSG ni Rod kung paano napunta sa kay Rod si Josefina. Kinwento naman sakin ni James ang nangyari pati na rin kung paano muntikan ng puntahan ng mga reporters si Josefina. Nakakainis talaga yang si Rod pinaka ayoko yung makita sa public ang anak ko baka kung anong mangyayari sa anak ko.

Humanda ka talaga sakin Rodrigo.

Pagdating namin sa malacañang sinalubong kami ng isang maid dito. May edad na rin ito mukha nasa 50 years old na ito.

"Magandang hapon po Ma'am Imee. Anong maipaglilingkod ko po sa'yo?" bati niya.

Bakit alam niya ang pangalan ko?

"B-bakit alam mo ang pangalan ko?" tanong ko.

"Sino namang hindi makakakilala sa'yo asawa ka po ng presidente ng Pilipinas at ikaw po ang first lady." nakangiti sabi niya.

"H-hindi ako a-ang first lady dito." Sabi ko.

Gosh! I hate this namumulang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Pinakilala ka po ni Mr. President sa amin kahit po wala kayo dito." nakangiti sabi niya.

"Nasaan siya? kukunin ko na ang anak ko" pag-iiba ko.

"Nasa kwarto po sila ni Mr. President nanonood po sila." Sabi niya.

"Sabihin mo nandito ako at kukunin ko na ang anak ko." Sabi ko.

Tumango na lang siya saka ako sumunod sa kanya sa loob.

Maya-maya pa narinig ko ang boses ni Rodrigo. Gosh bakit parang nakakaramdam ako ng kaba feeling ko may mga kabayong nag-uunahan sa dibdib ko.

"Imee" Sabi niya.

"N-nasaan ang a-anak ko?" nauutal na tanong ko.

Ano ba Imee si Rodrigo lang yan!

"Mommy you're here!" masayang sigaw ng anak ko.

"Halika na umuwi na tayo!" Sabi ko.

"Hey Imee baka pwedeng dito muna si Josefina." Sabi ni Rod.

"Ayoko nga! aalis na kami" naiinis na sabi ko.

"M-manang pwede samahan mo muna si Josefina sa garden?" Sabi ni Rod.

"S-sige po Mr. President." Sabi niya.

Umalis naman na sila at naiwan kaming dalawa  ni Rodrigo.

"Imee please kahit ngayon lang gusto ko lang makasama ang anak ko." paki-usap niya.

"Pwede ba Rodrigo tumigil ka na" Sabi ko.

"P-please honey!" Sabi niya.

Parang namula na naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba Rodrigo! Muntikan na nga kaninang makalapit yung mga reporters sa anak ko!" Galit ko sabi.

"Sorry Imee hindi ko naman alam na makikita ko si Josefina kanina." Sabi niya.

"Alam mo naman ayokong makita ng publiko ang anak ko panigurado nakuhanan na ng picture ang anak ko kanina at malamang kalat na ngayon sa social media ang mga pictures niya!" Galit kong sabi.

"I'm sorry, please Imee bumalik na kayo sakin" pagmamakaawa niya.

"Kung sana nakinig ka sakin at hindi ka nagpumilit na pumasok sa pagka presidente hindi sana kami lumayo ng anak mo." madiin na sabi ko sa kanya.

"Imee naman may karapatan din naman ako, anak ko din naman siya." Sabi niya.

"Tskk! nawala na yun simula nung pinagpalit mo kami." Sabi ko.

Bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko at niyakap ang bewang ko.

"I'm really sorry Imee. Please bumalik ka na sakin, kayo ng anak natin. Ayoko ng malayo pa kayo sakin hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo. Susuyuin kita araw-araw kung yun lang ang paraan para bumalik ka sakin ulit. Mahal na mahal kita, I love you honey!" Sabi niya.

Parang may mga paro-paro na gustong kumawala sa tiyan ko.

No Imee wala ka ng nararamdaman sa kanya.

"A-ano ba Rodrigo I'm not a saint para luhuran mo tumayo ka nga." Sabi ko saka ko pilit na tinatanggal ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

"Imee please give me one more chance to make it up to you." Sabi niya.

"H-hindi ko alam R-rodrigo." Sabi ko.

Tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sakin saka na ako naglakad palayo sa kanya.





"Imee hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasa-akin ulit."

Unsupportive Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon