Chapter 21

118 9 5
                                    

Rodrigo's POV

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin kami maayos ni Imee. Hindi niya kasi gustong pakinggan yung paliwanag ko umaalis siya kapag nagsisimula na kong magpaliwanag.

Mahirap talaga siyang suyuin kapag nagselos na. Ayaw pa niyang aminin na nagseselos siya kahit na halata naman. Ano bang dapat kong gawin? aystt.

Pauwi ako ngayon kakatapos lang ng mga sunod-sunod na meetings ko sa malacañang. Tinawagan ko si James kung nasa bahay ba si Imee sabi naman niya nandon daw nanonood sa sala.

Si Josefina kasi na kila Andrei bored na daw siya sa bahay kaya ayun nakikipaglaro kay Cassandra may kasama naman siyang mga security para masiguro ko na safe siya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nasa nakita ko si Imee nakaupo sa sala habang nanonood. Lumapit ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi. Iiwas sana siya pero huli na.


"Honey galit ka pa rin?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya niyakap ko siya.

"Honey wala naman kaming relasyon ni Alexa magkaibigan lang kami." seryosong sabi ko.

"Bakit mo pa siya niyakap at hinalikan sa pisngi!" naiinis na sabi niya.

"Honey ganon naman talaga ako sa mga kaibigan kong babae eh." Sabi ko.

Tumingin siya sakin ng matalim.

"Ouch!" daing ko ng hinampas niya ko ng malakas sa braso.

"Bwisit ka Rodrigo!" Sigaw niya sakin.

"Hon please bati na tayo hindi ko na ulit gagawin yun." seryosong sabi ko.

"Ayy hindi ulitin mo pa!" Sarkastikong sabi niya.

"Honey naman." Sabi ko.

"Sino ba kasi yung babaeng yun!?" Inis na tanong niya

"Nakilala ko siya sa Cebu nung campaign ko nandon din siya. Siya yung tumulong sakin nung campaign ko simula noon naging close na kami at naging magkaibigan kami." Kwento ko.

"Hindi ka nagkagusto sa kanya?" seryosong tanong niya.

"No honey, Promise ikaw lang ang mahal ko. Kapatid nga lang ang turing ko sa kanya." Sabi ko.

"Naiinis pa rin ako sayo!" Sabi niya.

"Honey please bati na tayo." Sabi ko saka ko hinalikan ang pisngi niya.

"Walang gusto sa'yo yun?" Masungit na tanong niya.

"Wala hon magkaibigan lang." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Naniniguradong tanong niya.

"Yes hon hundred percent sure." Sabi ko.

"Hon huwag ka na magselos." Sabi ko.

"H-hindi ako nagseselos." mataray na sabi niya.

"Hindi daw pero halata naman ayaw pa umamin." bulo ko.

"Ano ka mo?" mataray na tanong niya.

"W-wala honey ko." nakangiting sabi ko.

"Bati na tayo? okay na tayo?" tanong ko.

"Oo na saka pwede ba lumayo layo ka sa kanya." Sabi niya.

"Yes Hon, Wala talaga kaming ginawa nung nakita mo kami magkayakap kahit tignan mo pa sa CCTV sa office ko." Sabi ko.

"Siguraduhin mo Rodrigo masasapak talaga kita!" Sabi niya.

Sumisiksik ako sa kanya habang nakayakap.

"I miss you hon ilang araw akong hindi makalapit sa'yo." Sabi ko.

"Rod ano ba!" Sabi niya.

"Hon where's my kiss?" tanong ko.

"Eh! Magtigil ka nga diyan" Sabi niya

"Hon upo ka dito" sabi ko nagsenyas naman ako sa kandungan ko.

Mabuti naman sumunod siya sakin. Pag-upo niya sa kandungan ko yumakap siya sa leeg ko.

"I love you hon. Palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari mananatili akong faithful sayo." Sabi ko.






Nabigla ako ng hinalikan niya ako. Kaya binuhat ko siya papunta sa kwarto namin.

Unsupportive Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon