Chapter 14

89 6 4
                                    

Imee's POV

Nakarating na kami sa bahay niya pagbaba ko bumungad sakin ang malaking bahay siguro pina-renovate niya yung bahay dahil 2 years ago hindi naman ganito yung bahay.

Parang bigla naman nagflashback sakin lahat ng mga masasayang ala-ala namin nung buo pa kami.

Pumasok kami sa loob nabago na din yung loob ng bahay wala na yung malaking wedding picture namin na nakasabit.

Ngayon ko lang napansin na tulog na pala si Josefina habang buhat siya ni Rod siguro napagod kanina sa pamimili.

"Imee ilalagay ko muna si Zia sa kwarto." Sabi ko.

Tumango na lang ako.

Pinagmasdan ko lang ang bawat paligid ng bahay para akong naiiyak. Siguro kung nakinig lang si Rod sakin ang saya saya siguro namin ngayon. Okay kaming dalawa at hindi namin siya iniwan.

Nabalik lang ako sa realidad ng may nagsalita sa likuran ko.

"Imee." tawag niya.

Tinignan ko lang siya saka siya lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry sa nangyari kanina." taos-puso niyang sabi.

"That's why we left you two years ago. Ganto ang mangyayari sa amin. Sa bawat galaw namin ng anak mo malamang may mga camera ng nakatutok sa amin." Sabi ko.

Kaya nga namin siya iniwan noon dahil sa ganitong buhay yung tahimik naming buhay napalitan ng ingay at gulo. Parang maling desisyon na bumalik ulit kami ng bansa. Napakabata pa ni Zia para maintindihan ang mga ganitong nangyayari.

"Imee, please forgive me because you got into my trouble." Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Your sorry will not change everything that happened!" inis na sabi ko.

Nakita ko naman sa mga mata niya na naluluha na siya. Hindi ko naman sinasadya masabi yun dala lang ng galit ko.

Pero totoo naman diba hindi na maibabalik ang ilang taong lumipas. Kasama na don ang tiwala ko sa kanya. Ngunit kahit ganon ang nangyari hindi pa rin siya nawala sa puso ko at nasa isip ko pa rin siya kahit na malayo kami sa isa't isa.

"Maling desisyon na bumalik ulit kami ni Josefina dito." seryosong sabi ko.

"What do you mean?" naguguluhan tanong niya.






"Zia and I are going back to another country."

Unsupportive Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon