Imee's POV
Simula ng umalis si Rod hindi na ako mapakali dito baka ano ng nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari masama sa kanila.
"Imee maupo ka muna kanina ka pa palakad-lakad dyan." Sabi ni Manang.
"Manang nag-aalala na po ako sa mag-ama ko baka anong mangyari sa kanila." Sabi ko.
"Magtiwala ka lang Imee." Sabi ni Mamang.
"Hindi ko na kaya manatili pa dito manang susundan ko na sila." Sabi ko.
Tumayo ako at lumabas sa office ni Rod sinamahan naman ako ni Manang.
Paglabas ko nakita ko ang sandamakmak na PSG at mga Pulis na nakabantay sa labas ng office ni Rod.
"Madam pasensiya na po bawal po kayong lumabas." Magalang na sabi ng isang PSG.
"Hayaan niyo nga ako." Sabi ko.
Maglalakad na sana ako ng humarang sila sa dadahanan ko.
"Sumusunod lang po kami sa utos ni Mr. President madam." Sabi ng isang pulis.
"Kapag may nangyari pong masama sa'yo malalagot po kami kay Mr. President." Sabi ng pulis.
"Imee sumunod na lang tayo." Sabi ni Manang.
Wala na akong magawa dahil hinila na ako ni Manang pabalik sa loob ng office ni Rod.
Naupo na lang ako sa sofa na nasa office niya at napapikit na lang ako saka naiiyak na naman. Parang mababaliw ako sa kakaisip sa kanila hindi ako mapapakali hangga't hindi sila bumabalik sakin.
Napabukas ako ng mata ng tumunog ang cellphone ko nakita ko sa phone screen ko tumatawag si Rod.
"Hello hon?" Tawag ko.
"Madam si James po ito dinala namin si Mr. President sa hospital." Sabi niya
"B-bakit James a-anong nangyari sa asawa ko?" Naiiyak na tanong ko.
"Madam na baril po si Mr. President nasa hospital na po kami dito sa Fontanillia Medical Hospital." Sabi niya.
Tuluyan na akong umiyak dahil sa nalaman ko.
"S-sige James pupunta na ko." Umiiyak na sabi ko saka ko na binaba ang tawag.
"Manang kailangan natin puntahan si Rod nabaril siya." Sabi ko.
"Jusko! Tara na bilisan natin." Natatarantang Sabi niya.
Lumabas na kami sa malacañang kasama ang mga pulis at psg pumunta kami sa hospital na sinabi ni James.
Pagbaba ko naka-abang sa amin si James sa labas.
"James ang anak ko at si Rod?" Tanong ko.
"Ma'am critical po ang lagay ni Mr. President ginagamot pa po siya ng mga doctor tumama po ang bala sa likod niya at ang isa po sa braso." Sabi niya.
Parang nawalan naman ako ng lakas sa sinabi niya.
"A-ang anak ko nasaan siya?" Tanong ko.
"Nasa maayos na kalagayan po si Ma'am Josefina ginagamot na po yung mga sugat niya." Sabi niya.
Salamat mabuti na lang nasa mabuting kalagayan ang anak ko.
"Gusto ko silang makita." Sabi ko.
Pumasok na kami sa loob, Nakita ko si Zia na nakaupo pagkakita niya sa akin kaagad siyang naglakad papunta sakin. Nakita ko ang mga sugat at pasa niya na kinaiyak ko hirap din siya sa paglakad.
"Are you okay now sweetie?" Naiiyak na tanong ko.
"Y-yes mommy but still hurt mommy." Sabi niya.
Napayakap na lang ako sa kanya.
"Mommy, daddy save me he's my super dad." Nakangiting sabi niya.
"Yes, anak daddy is your super dad." Nakangiting sabi ko.
Napatingin ako sa kwarto na malapit samin nakita ko sa salamin na natataranta ang mga doctors at nurse. Ngayon ko lang na realize na si Rod pala yun.
"J-james anong n-nangyayari sa asawa ko?" Umiiyak na tanong ko.
"M-madam nag flat line po si Mr. President." K-kinakabahan na sabi niya.
Napatingin naman ako sa machine wala na ang heart beat ni Rod.
"No, Rod hindi mo kami pwedeng iwan!" Sigaw ko.
"Daddy ko!" Sigaw ni Zia.
Nakita ko ang mga doctor na pilit na binabalik ang heart bit ni Rod.
"Rod ano ba lumaban ka!" Sigaw ko.
"Manang si Rod hindi pwede, hindi niya kami pwedeng iwan." Sabi ko.
Niyakap niya na lang ako at bigla na lang ako nakaramdam ng pandidilim ng paningin ko.
BINABASA MO ANG
Unsupportive Wife
FanficWhat is more important to you, your family or politics? What if? because of your desire to enter politics, you suddenly lost your family. Warning!!! This story is just fiction it didn't happen in reality or in real life so don't take it seriously.