Chapter 12

116 6 9
                                    

Imee's POV

Nagising ako sa sunod sunod na katok at door bell. Ano ba yang si Andrei ang aga aga naman pumunta dito napatingin ako sa orasan 6:15 pa lang ng umaga. Makikichismis lang ganitong oras pa niya naisipang pumunta.

Nagtungo ako sa pinto para buksan ito kahit gulong-gulo pa ang buhok ko. Si Andrei lang naman 'to sanay naman niya akong makita ganito ang ayos ko.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang isang lalaking nakaputing polo at nakapantaloon.  Ang ganda ng pagkakaayos ng buhok at amoy na amoy ko ang sobrang bago niyang pabango. Napatingin naman ako sa labi niya na mapupula.

"Imee" Sabi niya.

"A-ano ba?" tanong ko.

"Kanina ka pa nakatitig sakin baka matunaw ako"  nakangising sabi niya.

"A-anong ginagawa mo d-dito Rodrigo?" tanong ko.

Napatingin naman ako sa mga PSG na kasama niya nakayuko sila at parang hindi sila makatingin ng diretso sakin. Tskk! Ang laki ng mga katawan nila di makatingin ng maayos sakin.

"I'm here to see my beautiful wife and my precious daughter." nakangiting sabi niya pero hindi nakatingin sakin.

Napatingin naman ako sa tinitignan niya.

"Ang manyak mo!" Sabi ko.

Napatakip ako sa dibdib ko.
Gosh! wala pala akong suot na bra.

Niyakap naman niya naman ako na parang tinatakpan ang dibdib ko.

"James ipasok niyo na sa loob yung mga pagkain." utos niya.

"S-sige po sir!" Sabi ni James

Nakita ko naman yung mga paper bag na dala nila.

"Hintayin niyo na lang ako sa labas." Sabi ni Rod.

Napatago na lang yung mukha ko sa dibdib niya dahil nahihiya ako wala pala akong suot na bra. Nanggigil ako sa kanya kaya kinagat ko yung dibdib niya.

"Ouch! Imee ang sakit bakit mo ko kinagat!?" daing niya.

"Para yan sa pagmamanyak mo sakin." Sabi ko.

"You're still not wearing a brassiere when sleeping. Your breast is exposed." Sabi niya.

Namula naman ako sa sinabi niya hindi naman kasi ako nagsusuot ng bra kapag natutulog ako. Ang baba pa naman ng neckline ng suot kong damit kaya makikita talaga niya ang dibdib ko. Kaya pala hindi makatingin ng diretso sakin kanina yung mga PSG niya.

Napayuko na lang ako ulit sa dibdib niya dahil sa hiya nakurot ko naman siya sa dibdib dahilan para mapahiwalay kami.

"Awwww ang sakit!" Daing niya.

Yung kamay niya tuloy napunta sa bewang ko.

Dumada-moves ka din ano Rodrigo!

"Buti nga sayo!" natatawang Sabi ko.

Napahawak siya sa parteng kinurot ko.

"Anong nakakatawa?" tanong niya.

Tinawanan ko lang siya.

"Paano mo nga pala nalaman na dito kami nakatira?" Seryosong tanong ko.

"Because I'm the President of the Philippines." Sagot niya.

Ang yabang talaga.

"Daddy you're here!"

Napatingin kami sa kwarto. Nakita ko si Josefina na mukhang kakagising lang dahil magulo pa ang buhok niya. Tumakbo naman siya sa Daddy niya habang hawak hawak ang manika niya.

Unsupportive Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon