02

154 6 0
                                    

Mahigpit ang hawak niya sa baywang ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kiliti sa tiyan. Ito na ba 'yong butterflies in my stomach? Baka hindi butterfly, bulate ata?

Never ako nakaramdam ng ganito sa ibang lalaki. Noon kasi trabaho lang ang priority ko at wala nang panahon para kumilala ng mga tao.

Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig sa berdeng mata niya. May parang kung ano sa mata niya at gustong gusto ko iyon makita. Kumalabog ang puso nang tumitig siya muli sa akin.

Napapansin ko sa kanya ay lagi siyang nakangiti. At gustong gusto ko ang mga ngiti niya. Med. Ang cute niya.

Inayos niya ako ng tayo. Kumurap-kurap ako, kanina pa pala ako nakatulala sa kanya. Umiwas ako ng tingin at kunwaring pinapagpaggan ang damit ko.

Nilipat ko ang mata ko sa pwesto ni Lilith kung saan nakatayo kanina si Crynn kasama siya. Ang layo ko pala sa kinatatayuan nila kanina kaya naman pala hingal na hingal si Crynn, tumakbo pa siya papunta sa 'kin para saluhin ako. Crynn the flash.

"Sorry kung nadamay kita sa katangahan ko... hehe,"

Tumango siya at ngumiti. Lumapit na siya kay Lilith at hinila na ito. Sumabay ako sa paglalakad nila. Tahimik lang kami, paminsa minsa ay lumingon ako sa kanya pero agad rin akong umiwas pag bumabaling siya sa  'kin.

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling labas ko nang hindi inaalala ang mga gastosin ko sa pang-araw-araw.

Kahit noong nagtratrabaho na ako hindi ko magawang maglaan ng oras para sa sarili ko dahil ako ang nagpapaaral sa bunsong kapatid ko noon. Mabuti nga ay nakatapos na siya at may trabaho na kaya nabawasan ang gastosin ko.

Hindi na rin ulit nakita ang ikatlong kapatid ko dahil isa na siyang ganap na doktor at busy siya sa trabaho. Si Clark at Abby na bunsong kapatid namin lang ang ka-close ko sa pamilya, makulit katulad ko tapos malambing pa.

Nakakatuwa nga isipin na napagtapos ko si Clark ko at naging ganap na doktor pa dahil sa pagsisikap ko. Feel ko tuloy ako ang real parents niya, mas proud pa kasi ako sa kapatid ko kesa sa mga magulang namin.

Pinikit ko ang mga mata ko habang unti-unting inangat ang ulo ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na hindi mo iniisip kung anong mangyayari sa buhay mo. Ang sarap na ganito lang, palakad-lakad habang dinadama ang kalikasan. Kung sana lang ay hindi ako nasa loob ng libro, at totoong mundo ko ito nararanasan.

Halos sumigaw ako sa tuwa nang makita ko na ang rancho ng Seagrave. Thank God at nakabalik din ako.

Maraming tao ang nakikita ko sa malayo, siguro ay ang mga trabahador iyon kasama sila Mang Lino at Ven. Putek, naabala ko talaga siguro sila ngayon at mukhang hinahanap nila ako. Syempre hahanapin talaga ako, nawala ako e.

Tumingin ako sa kasama ko. Malaking ngiti ang binigay ko sa kanya. Dahil talaga sa kanya kung bakit nakabalik ako ng ligtas sa rancho. Paano nalang kaya kung wala siya e'di naabotan ako  ng dilim sa gubat kasama si Lilith.

"Hanggang dito nalang kita maihahatid. Sige na at mukhang hinahanap ka na nila," he said.

Hindi ako gumalaw. Nakatingin ako sa kanyang mata. "Paano kita mapapasalamatan, Crynn? Magkikita pa ba tayo?"

Mahina siyang tuwa. "Ikaw na ang mag-isip kung sa anong paraan mo ako mapapasalamatan,"

Lumingon ako rancho bago muling bumaling sa kanya. "Magkikita pa ba tayo ulit?"

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik kaya nagtataka ako. Ayaw niya ba na magkita kami ulit? Pero sabi niya ako daw ang mag-isip kung sa anong paraan ko siya mapapasalamatan. Ibig sabihin magkikita pa kami ulit!

The Crazy Villain Where stories live. Discover now