It's my birthday. And also Delilah's 21st birthday.Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ay hindi ako makapaniwalang nasa loob ako ng kwento.
"It's your birthday but you look not happy at all."
"Bakit pag birthday ba dapat masaya talaga? Paano pag namatayan yung tao tapos birthday niya, kailangan niya ba maging happy?
"I-try mo kaya itanong 'yan sa sarili mo," supladong sabi niya.
Ay aba lumaban si angkol.
"And you think I will answer your stupid questions?" He said sarcastically.
"Ewan, tanong natin sa mama mo."
Hindi niya na ako sinagot. Tama 'yan, 'wag kana mag salita at masasayang lang 'yang laway mo.
Lumapit siya sa tabi ko.
I stared at Noah who was now beside me. Should I ask Noah about her mother? Uh, no I can't trust him.
"What? Stop staring you stupid." He said before turning his back and walking away.
What's wrong with him? Baliw. Ganyan siguro talaga basta kadugo ni Veronica.
Akala mo naman gold ang mukha niya.
Bumalik na ako sa loob ng mansyon dahil narinig kong hinahanap na ako ng mga maid. At tama nga ako kanina pa nila ako hinahanap.
Pinagalitan ako ni Veronica pero hindi ako nakikinig at hinahayaan ko nalang ang mga maid kung anong ginawa nila sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal kami natapos sa pag-aayos sa akin.
Ang ingay-ingay ni Veronica kanina pa dahil puro saway siya sa mga nag-aayos sa 'kin. Ewan ko nga kung bakit nandito siya.
Napatingin ako kay Veronica na nakangiti habang naka tingin sa akin na tila ba proud na proud siya sa akin.
"You look so beautiful, Avery," she walks towards me. "I know your father would say the same thing." She said.
Kinuha niya ang aking kamay. I was shocked when she gives me a necklace.
Napatingin naman ako sa kanya. Hindi alam kung anong dapat kong sabihin.
"That necklace is one of my favorites so take good care of it," she smiled. "Happy Birthday my stepdaughter." She said almost in a whisper.
"Thank you."
She nodded before walking away.
Pinagmasdan ko ang kwintas.
An emerald is rare, transparent, deep green gemstone. Emerald can be very expensive.
Kaya nakakagulat nang ibigay ito sa akin ni Veronica. Nag iba ata bigla ang ihip ng hangin. Ewan, pero dahil sa maikling pag-uusap namin ni Veronica, nabawasan ang kaba nararamdam ko.
Sige na nga, tutal birthday naman namin ni Delilah, ito nalang susuotin ko. Mukhang bagay na bagay sa suot kong damit ngayon.
Nang maisuot ko na ang kwintas ay hindi ako nag ka mali bumagay nga ito sa aking suot.
"Ang ganda ko." Bulong ko sa sarili.
Araw-araw naman ako maganda pero mas lalong gumandang ngayon.
Pagkatapos ko pagmasdan ang kabuoan ko sa salamin ay napag desisyonan ko na sumunod kay Veronica.
Himala wala pa si Ven. Saan naman kaya 'yon? Wala man lang pa happy birthday sa amo or regalo. Tampo na ako sa kanya, ha.
YOU ARE READING
The Crazy Villain
FantasyWhat if upon waking up, you find yourself inside the story you've been reading? But what if you're the antagonist in that story? Shaira never expected that upon waking up, she would find herself inside the book she was reading-the very book she had...