Akala ko goodbye world na talaga ako pero hindi naman ako namatay pero nakatapatong ngalang ako sa isang matigas na dibdib. Hindi naman pala maataas 'yong pinagtalunan ko kaya no to goodbye world muna ako."Putik na 'yan sakit ng balakang ko," reklamo ko habang bumabangon
Tumingin ako sa binagsakan ko. Isang pares ng berdeng mata ang sumalubong sa akin. Berde? Na traumatized na ako sa color green!
Nakatingin lang siya sa akin habang hawak ang baywang ko. Napatong pa rin ako sa kanya.
Nang napansin niyang mukhang nairita ko ay para siyang batang takot na nakatingin sa akin. Nanginginig na ang mga kamay niya sa baywang ko.
Teka, sino ba 'to?
Hinawi ko ang kamay niya sa baywang ko. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Tumayo rin siya pero hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang mga mata.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya sinubukan ko siyang hawak sa braso at napatalon siya nang hawakan ko siya. Takot ba 'to sa babae? Ang laki laki ng katawan takot sa 'kin. Baka sa paningin ng taong 'to halimaw ako kaya natatakot. Pero ang ganda ko kaya saka ang layo ng mukha ko sa anyo ng halimaw.
Napatingin naman ako sa ibaba ko nang nakaramadam ako ng kiliti. May puting pusa pala sa paahan ko. Kinarga ko ang pusa at hinaplos haplos ang ulo nito. Mukhang mabait naman dahil dinilaan pa ang kamay ko.
Cute naman. Akingnin ko 'to pag walang amo.
Muli akong tumingin sa lalaki. Nakatingin siya sa pusang karga ko.
"Pusa mo ba 'to?" Tanong ko.
Nagniningning ang mga mata niya at tamango na parang bata. Sensya ka na, Muning may amo ka pala.
Dahan-dahan kong inabot sa kanya ang pusa at kinuha naman niya iyon galing sa akin. Ngumiti siya habang hinaplos ang kanyang pusa.
"Cute ng pusa mo parang ikaw lang." Sabi ko.
Tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang na pansin para siyang babae. Mataas ang pilik mata niya at mapula ang labi niya tapos mahaba ang kulay sliver-white niyang buhok. Ang porma sa kanyang mukha parehas sa babae ang katawan lang niya ang lalaking lalaki. Pero aaminin ko guwapo ang taong 'to kaso mukhang takot sa mga babae kaya malabong maraming nako 'to.
"Sino ka nga— Shit!"
Hindi ko natuloy ang sasabi ko dahil narinig ko ang yapak ng kung sino na papalapit sa bintana.
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Tumalon ako para maabot ang kanyang leeg at pinayuko siya para hindi kami makita. Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko.
Nararamdam ko ang bawat hininga niya. Lumingon ako sa kanya at sumenyas na 'wag maingay. Nakakapagtaka lang dahil namumula ang tenga niya. May sakit ba siya?
Binitawan ko siya baka kasi hindi siya nakakahinga ng maayos kaya ganon.
"Let's go, Noah!" Rinig kong boses ni Drew.
"Okay."
Lintek si Noah na naman! Ito talagang lalaking 'to ayaw ako lubayan.
Mukhang naka alis na si Noah. Muli akong lumingon sa lalaking kasama ko.
Pinatong ko ang palad ko sa kanyang noo. "Ayos ka lang ba? Pulang pula ka, a."
Napahawak siya sa kanyang bibig habang nakatingin sa akin. May parang kung ano sa kanyang mga mata. May lagnat ba 'to o lasing?
Bahala nga siya. Tumayo na ako at akmang aalis na pero bigla niyang hiwakan ang kamay ko.
Lumingon ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko.
YOU ARE READING
The Crazy Villain
FantasyWhat if upon waking up, you find yourself inside the story you've been reading? But what if you're the antagonist in that story? Shaira never expected that upon waking up, she would find herself inside the book she was reading-the very book she had...