09

132 2 1
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Tila ba nasa isang panaginip ako na ayaw ko na magising.

She smiled at me. "Are you okay now?"

Tumango ako habang pinupunasan ang mga luha at sipon na kanina pa tumutulo.

Walang nag bago sa aking katawan maliban lang sa buhok ko na medyo umikli ngunit bumabagay pa rin ito sa aking mukha.

Nang tuluyan na ako huminahon ay na upo kami malapit sa fountain ng hardin. Nag-uusap kami habang ang malaking buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

Mabuti na lang ay hating gabi na at lahat ng tao sa mansyon ay mukhang tulog na kaya wala naman siguro makakakita sa amin dito.

"Anong pakiramdam maging ako?" Tanong niya.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Nakakaloka," sagot ko at natawa naman siya. "Totoo, sis kung alam mo lang kung gaanong pagtitimpi ang ginawa ko para lang 'di mabigwasan mga karakter dito sa kwento niyo."

"You know ganyan din ang nangyari sa'kin noong na buhay ako sa pangalawang buhay ko. Halos mabaliw ako sa kakaisip sa lahat kung paano ko iiwasan mga nangyari sa unang buhay ko dito,"

Nanlaki ang mata ko. "Totoo nga na paulit-ulit kang na buhay at namatay?!"

Tumango siya. Ibig sabihin totoo ang lahat na nakasulat sa diary ni Devina!

"U-Um. . . Delilah may tanong ako. Nabasa mo na ba 'yong diary ng mama mo at ang sulat niya para sayo?"

Natigil siya ng ilang segundo bago muling tumingin sa akin. Hindi siya nagsalita ngunit nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Your mother's name is Devina, right?"

Wrong move ata na tinatanong ko iyon dahil mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. Grabe ganto pala ako kaganda kahit mukhang banas na banas na.

"Yeah, what a about her?"

"May alam ka ba kung nasaan siya ngayon? O kung buhay pa ba siya?"

"I don't know. My father said that she left us and he don't know the reason. She just disappears and never comes back."

"'Yong dairy at 'yong sulat niya para sayo, alam mo?"

Umiling lang siya. Ibig sabihin hindi siya ang unang nakabasa sa diary. Pero teka, bakit parang walang alam si Delilah tungkol kay Devina.

"Last question na, Delilah. Kilala mo ba si Carolina? May sinulat kasi ang mama tungkol sa kanya pero noong babasahin ko na ay para sinadyang pinunit 'yung huling pahina ng diary."

Nagulat ako nang biglang namutla si Delilah. Para siyang nakakita ng multo.

"Ayos ka lang?" Tanong at hinawakan siya sa kamay pero nabigla ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

Diretso ang tingin niya sa at bakas ang takot sa kanyang mga mata. "Did you already met Carolina and his son Crynn?!"

She's sound angry. I tried to calm her down but she didn't listen to me.

Mahigpit ang hawak niya sa akin at nasasaktan na ako.

"Delilah!" Tawag ko sa kanya.

Mukhang natauhan na siya dahil binitawan niya na ako ngunit halata pa rin ang takot sa kanyang mga mata.

Hinawakan ko siya sa balikat para sana tanongin kung ayos lang ba siya pero lumayo agad siya sa akin.

She looks scared when I mentioned Carolina.

"Are you scared of Carolina? Did she killed you like what Crynn did to you in your past life?

Natigil siya at muling lumingon sa akin. "Y-You know what Crynn did to me in my past life? H-How?"

The Crazy Villain Where stories live. Discover now