06

127 5 1
                                    

TW: Violence

Tumigil kami sa isang malawak na lupain. Ang matataas na damo ay sumasabay sa galaw ng hangin.

Tanging ang malaking buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa malawak na lupain.

Hindi na ito parte ng lupa ng mga Seagrave. "Kanino ang lupain na ito?"

Bumaling siya sa akin. "Sa amin ang lupaing ito."

Tumango tango ako. Tumagal ang aming titigan pero mukhang ako ang matatalo.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanyang mga mata. Bumaba ang mga mata ko sa kamay namin na kanina pag magkahawak. Ayaw niya ata ako bitawan dahil sinubukan ko kumalas pero mas lalo niya hinigpitan ang paghawak sa aking kamay.

Yumuko lang ako habang tinatago ang pulang pula ko na mukha. Kainis may sakit ata ako.

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking pisnge at inangat ang aking mukha.

"May sakit ka ba?" Halata sa kanyang boses ang pag-aalala.

Mahina kong sinampal ang kanyang kamay at dumistansya. Mukha naman siyang nagulat at agad niyang binawi ang kanyang kamay.

Para naman akong nagsisi sa ginawa ko.

"S-Sorry. . . Okay lang ako," humarap ako sa kanya at ngumiti para mas lalo siya makumbinsi.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil hindi na siya nag tanong pa.

Akala ko ay tutunganga lang kami pero laking gulat ko nang maramdam ko na siya sa aking likod. Para akong tanga na nanigas sa kinatatayuan.

Pinatong niya ang kanyang isang kamay aking balikat at bumulong. "Remember what I told you earlier?"

Nakamputcha ang lapit niya naman. Baka mahimatay ako rito, kahiya naman.

"Y-Yeah,"

"I'll show you my gift for you," he said and before I could react he covered my eyes using his left hand. "But first, let me cover your eyes with my hand."He whispered.

Mahina siyang nagbibilang at sa bawa't pag bigkas niya ng mga numero parang akong nakikiliti.

Buwisit na lalaki 'to, pati ba naman boses ang ganda. Wala ba panget sa kanya? Kung magiging kaaway ko 'to wala akong mapipintas sa kanya, lintek.

"One. . . "

Nang imulat ko ang aking mata ay namangha ako dahil napuno ng alitaptap ang buong lupain.

Ito na ata ang pinaka magandang regalo ang natanggap ko sa buong buhay ko. Ang ganda.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Nagustohan mo ba?"

Hinarap ko siya at tumango. Hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang kanyang dalawang palad.

Hala, 'wag mo naman ako hawakan, tol at baka maramdam mo kung gaano ka init ang pisngi ko.

"Good."

Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha. "Delilah, I will kiss you. Push me if you don't want this."

His lips went to mine and kissed me gently.

Imibis itulak ko siya ay para akong wala sarili na tinggap ang kanyang mga halik.

First time ko ito kaya sinasabayan ko lang siya at ang masasabi ko ay ang galing niya humalik. Halatang experto siya pagdating sa mga ganitong bagay.

I felt his arm around my waist. He pushes me closer to him, and our kiss got deep.

The Crazy Villain Where stories live. Discover now