R18+
"Lakas rin ng amats ni Isaac 'no? Private Island talaga?" napailing na lang ako at bahagyang natawa sa sinabi ni Delilah. "'Di man lang restaurant o sa bahay na lang niya para naman may makuha man lang tayong impormasyon!"
Oo nga naman. Pero ang tanong, bakit pumayag si Noah?
At isa pa, ayoko talaga makita si Isaac. Ang hilig nilang dalawa ni Charlotte maghalikan sa harapan ko. Baka mamaya maglaplapan na naman sila.
Tumunog ang cellphone ko. Saglit kong tinginan si Delilah bago ko kunin ang cellphone sa aking bag.
Leigh:
Are you free tomorrow?Me:
No. Why?Mabilis siyang nag reply. Hindi alam kung paano nakuha ni Leigh ang number ko pero nang tinatanong ko si Delilah ay siya raw ang nagbigay sa lalaki. Wala naman kaso sa akin dahil kaibigan ko naman si Leigh pero baka kung kani-kanino ibigay ang number ko!
Leigh:
I'll invite you sana for a dinner.Me:
Sorry. What about next time? Libre ko.Leigh:
Sure! Aasahan ko 'yan, ha.Hindi na ako nag reply dahil biglang tumili si Delilah. Nakangisi na siya sa akin nang tumingin ako sa kanya.
"What's the score between you and Leigh? Don't you dare lie to me!"may panunuya ang ang kanyang mata.
"Wala. Kaibigan ko lang si Leigh kaya 'wag kang ma-issue d'yan, Delilah Avery,"
Ilang ulit ko pang sinabi kay Delilah na kaibigan lang talaga ang turing ko kay Leigh. Paano ba naman kasi pinipilit niyang may something sa amin ni Leigh kahit wala.
Muntik ko pa nga siyang itulak sa chopper na pagmamay-ari nila. Nauna si Noah sa private island ni Isaac. Wala akong ideya na kung anong itsura nitong private island ni Isaac.
Naka-usap namin si Crynn at Ven bago kami umalis. Sa tingin nila ay maaaring nakapunta na si Carolina sa sinasabi ng private island ni Isaac.
We will try to find any information about Carolina there. We might find tracks of Carolina, and if we can prove that she hid there, it would mean that Isaac is indeed helping her.
"What the... " gulatan ang mukha ni Delilah habang nakatanaw sa isla.
Halos mapamura rin ako nang makita ko ang kabuoan ng Isla. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kahit tatlong taon man akong walang malay ay parang kahapon pa rin sa akin ang lahat ng nangyari sa islang ito.
Don't tell me Noah know about this? This is why he agreed? What the fuck, Noah!
Hanggang sa lumapag ang chopper sa isla ay hindi pa rin ako makapaniwala habang si Delilah ay gulat pa rin. May iilang mga tao ang sumalubong sa amin at hula ko ay tauhan sila ni Isaac.
"Didn’t know he was the buyer of this island!" May halong inis ang boses ni Delilah.
Dala ng mga taong sumalubong sa amin ang mga dala naming bag at sinundan lang namin sila. Hindi naman kami masyadong naglakad ng matagal at ilang metro pa lang ay kita na namin ang isang malaking mansyon.
The last time I was here, hindi pa ganito kalawak ang lugar at mukhang renovate ang rest house na ngayon ay mukha ng mansyon sa laki.
Umangat ang mga mata ko sa lalaking diretso ang tingin sa akin. Sa suot niyang black t-shirt at black jeans ay sobrang linis niyang tingnan. Isama mo pa ang boots na suot niya. Sinalo niya lahat ang biyaya ng panginoo noong nagpa-ulan ito ng kaperpektohan.
YOU ARE READING
The Crazy Villain
FantasyWhat if upon waking up, you find yourself inside the story you've been reading? But what if you're the antagonist in that story? Shaira never expected that upon waking up, she would find herself inside the book she was reading-the very book she had...