"Anong plano mo? Mukhang desidido ang babaeng iyon na mahanap lahat ng sagot sa mga katanongan niya,"
Lumingon siya sa lalaki. Iniisip niya kung bakit nga ba pumayag siyang makipag-usap dito.
"Hindi mo na iyon problema. Gawin mo na lang ang sinabi ko at ako ang bahala sa kanya,"
Humalikipkip ang lalaki. "Pero ano nga ang plano mo? Maaaring silang dalawa ang makakatulong sa atin para mabawi ang libro."
Bumuntong-hininga ang babae at tumingin sa lalaking nasa harapan niya. "Ibibigay ko ang gusto niya. Makakabalik siya. Kailangan niya na makabalik bago pa mahuli ang lahat."
Tumawa ang lalaki. "Hindi siya makakabalik. Sinubukan mo na ang bagay na iyan noon pero anong nangyari? Hindi ka nagtagumpay."
Namuo ang galit sa kanyang mga mata. Hindi niya gusto ang tabas ng dila ng lalaki. Kung hindi lang ito tumutulong sa kanya ay baka matagal na niya itong tinapos.
"Susubukan ko ulit at sisiguradohin kong makakabalik na siya. Magulo na noon pa ang kwento at mas lalong nagulo nang dumating siya. Ibabalik ko siya." Mariin na sabi niya sa lalaki.
Muling tumawa ang lalaki ngunit may halong inis ito. "Nagulo ang kwento dahil hinayaan mo siya. Anong sinabi ko sayo noon? Sabi ko na wag kang mag tiwala sa kanya pero anong ginawa mo? Hinayaan mo siyang makuha ang libro!"
Ramdam niya ang galit ng lalaki. Inaamin niyang kasalanan niya talaga ang nangyari. Kung sana lang ay hindi siya nag tiwala ay hindi ito mangyayari. Hindi mangyayari ang lahat na iyon kay Delilah.
"Dahil kay Carolina hindi tayo makabalik. Hangga't nasa kanya ang libro hindi matatapos ang paghihirap ni Delilah at ng babaeng iyon," lumapit siya sa babae. "Hindi siya makakabalik hangga't buhay si Carolina,"
Matapos iyon sabihin ng lalaki ay bigla itong naglaho. Napabuga na lang siya nang hangin habang nakatingin sa kawalan.
"Ito pa lang ang simula. Makakabalik siya at makakabalik kami."
Iniwan ng babae ang lugar at kasabay nang pag-ihip ng hangin ay nawala siya.
Ang babaeng lumikha sa mga karakter at ang lumikha sa mundong ito.
YOU ARE READING
The Crazy Villain
FantasyWhat if upon waking up, you find yourself inside the story you've been reading? But what if you're the antagonist in that story? Shaira never expected that upon waking up, she would find herself inside the book she was reading-the very book she had...