18

101 2 0
                                    

Nababalot ng kadiliman ang paligid ko. Para akong lumulutang sa kawalan at hindi mahanap ang liwanag. Hindi ko alam kung gaano na akong katagal sa rito sa dilim. Mga patak. Mga patak ng tubig ang tanging kong naririnig at hanggang sa sunod-sunod na iyon. Humina ito at tuloyan nang nawala ang ingay ng patak ng mga tubig. Ngayon, isang boses naman ang aking nadinig.

"Gumising ka na d'yan, te!" sigaw nang kung sino.

Sunod-sunod na tapik ang naramdaman ko sa aking braso. Tang ina sino ba 'tong tapik nang tapik. Sa sobrang inis ko ay hinarap ko ang taong iyon.

"O, gigising ka rin naman pala. Mala-late ka na sa work. Puyat pa,"

Nan-laki ang mata ko nang makita kong nasa harapan ko si Abby. Ang bunso kong kapatid. Napahawak ako sa aking bibig at hindi pa rin makapaniwala. Totoo ba 'to? Si Abby nasa harapan ko.

Nilibot ko ang aking mata sa buong kwarto. Kwarto ko 'to. Chineck ko pa ang suot ko na damit at ganoon pa rin. Naka over-sized na t-shirt at panty lang. Hinanap ko ang libro pero wala. Walang nag iba sa kwarto ko ngunit parang may kulang.

Kumunot ang kanyang noo."Te, ayos lang ba you? Gulat na gulat, ah." Tanong niya at lumapit sa akin.

Agad akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. Kahit nalilito siya ay yumakap din siya pabalik. Totoong nasa harapan ko si Abby. Ibig sabihin ay nakabalik na ako. Nakabalik na ako o panaginip lang talaga ang lahat ng iyon?

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ako alam kung mararamdam ko. Akala ko ay mamatay na ako at hindi ko na ulit makikita si Abby at si Isaac...

Hindi totoo ang lahat? Panaginip lang? Walang Isaac. Hindi totoong naging ako si Delilah.

"Hala te, umiiyak ka? Te, mag short ka muna kita ko na pussycat mo!" Natatarantang tanong ni Abby sa akin.

Tumawa naman ako at kumawala sa yakapan naming dalawa. Hinawakan ko ang pisnge niya at ngumiti. Ang kapatid ko.

"Umiiyak ka ba te kasi ngayon lang kita binisita ulit? Te, sorry huhu,"

Tumawa ulit ako. "Sira, nasa mood lang akong umiyak today," pagsisinungaling ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Ha? Pang muntangang mood ba 'yan te?"

Isang kaltok ang binigay ko sa kanya. "Aray!"

"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko.

"Meron pero mamayang 2:00 pm pa. Vacant namin pa namin ngayon."

Tumango. Inabotan niya ako ng short na galing sa ka cabinet ko at sinuot 'yon. Naglakad ako sa kusina na parang nothing happened lang. Sumunod naman sa akin si Abby habang dinadaldal ang mga kaganapan sa buhay niya nitong mga nakaraang araw.

"Sarap talaga kaltokan nong isang prof namin e, binagsak ba naman kaming lahat sa subject niya," pagsusumbong niya.

Nag simula akong mag prito ng itlog na may kamatis. Nakikinig pa rin ako sa mga hinaing ni Abby na tungkol sa mga prof niya.

"Basta ang akin lang, Abby. Mag-aral ka ng mabuti at tsaka 'wag ka masyadong magpaka-stress sa acads dahil hindi naman kita prene-pressure,"

"Alam ko naman 'yon te, pero 'di talaga maiiwasan na may mga tarantadong prof na sisira sa grades ko."

Tumawa naman ako. Itong batang 'to talaga ginawa pang tarantado prof niya.  Buti 'di pa ako napapatawag sa school dahil sa bungabunga niya.

"'Di ka papasok sa work?" Tanong niya.

"Bukas na," maikling sagot ko.

Text ko na lang si boss mamaya na sakit ako kaya 'di ako nakapasok ngayon. First ko rin mag absent sa trabaho kaya okay lang. Choosy pa ba si boss e, ako pinaka magaling niyang  bartender.

The Crazy Villain Where stories live. Discover now