20

98 2 0
                                    

Wala akong naramdaman na kung ano na tumama sa akin. Hinihintay kong tumilapon ang katawan ko ngunit hindi iyon nangyari. Wala akong maramdamang sakit at para akong lumulutang.

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Hindi ganito ang kisame ko sa bahay. Medyo malabo pa ang aking nakikita ngunit unti-unti itong luminaw lalo na nang may marinig akong boses.

"Gising na siya!"

Hindi alam kung kanino galing iyon ngunit nakarinig ako nang sunod-sunod na yapak na papalapit sa akin. Kahit hirap ay sinubukan kong bumangon ngunit agad akong nawalan nang lakas. Isang kamay ang lumalalay sa akin para maka-upo. Lumingon ako kung sino iyon.

Si Ven. Hindi siya nakangiti ngunit kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Nilibot ko ang aking paningin at isa-isa kong tinignan ang mga taong nakatayo sa aking harapan. Huminto ako nang makita kong nasa gilid lang ni Ven si Cyrnn. Magsasalita na sana ako nang may isang boses ang umagaw sa aking atensyon.

"Shaira!" Sigaw ni Delilah at agad lumapit sa akin upang yakapin ako.

Teka, bakit Shaira ang tawag niya sa akin? Hindi ba... Nanlaki ang mga mata ko nang humiwalay siya sa akin at puno nang pag-aalala ang kanyang mukha.

Kitang kita sa aking mukha ang gulat at lito sa nangyayari. Nakatayo lang sa aking harapan si Delilah habang pinigilan ang kanyang mga luha.

"Delilah..." tawag ko sa kanyang pangalan. Sunod-sunod na tango ang ginawa niya at buhos ang kanyang mga luha.

""I'm finally back in my body, Shai," she said between sobs, tears still streaming down her cheeks.

I'm finally back in my body. I'm Shaira again.

Nag simula akong umiyak. Wala ni isa ang nag salita at para kaming nagpapaligsahan ni Delilah sa palakas ng paghagulgol.

Hindi ko mawari kung ano aking nararamdaman. Masaya dahil nasa ko na ulit ako ngunit nanglulungkot din dahil inaalala ko ang nangyari sa amin ni Abby.

"You're not from here."

Muli  kong naalala  ang mga katagang sinabi sa akin ni Abby bago ako tuloyan mabangga nang truck. Hindi naman talaga ako nabangga dahil wala akong galos o ano man. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sinabi sa akin iyon ni Abby.

Pinaalis ko ang aking mga luha gamit ang aking palad. Bumaling ako lalaking kanina pa ako tinititigan simula nang magising ako.

"Bakit ka nandito?" matigas ko na sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Alam kong wala akong makukuhang sagot sa kanya kaya tumingin muli ako kay Delilah.

"Bakit siya nandito?" Tanong ko sa kanya. "Bakit nandito ang lalaking bumaril sa atin?"

Akala ko ay makukuha ko ang sagot na gusto ko ngunit hindi. May gusto siyang sabihin pero mas pinili niyang yumuko na lang.

"Shaira, I think you should rest. We will explain everything to you later," siad Ven.

Si Ven. What do you mean 'we'.

"Okay lang ako. Kaya ko. You can start explaining everything to me," I said coldly. "Explain why the hell that guy is here," I added, glaring at Crynn.

Hinawakan ako ni Delilah sa balikat. "Makinig ka kay Ven, Shai. Humiga ka muna  at magpapahatid ako nang pagkain para sayo,"

Umiling ako. "No. I want you to explain everything to me, Delilah. Ilang araw akong walang malay?"

Kita ko ang pagaalangan niyang sagutin ang tanong ko. Why is she acting weird? It feels like she's not telling me something.

I thought no one would answer my question, but suddenly I heard Crynn's voice for the first time. I thought he was just going to stand there and watch me.

The Crazy Villain Where stories live. Discover now