Entry #22 - Ang Himig ng Pag-ibig

6 1 0
                                    

"Ang himig ng Pag-ibig"

(Malayang taludturan)

Sa aking paggising,

Iyong musika aking pinapakinggan.

Malayang lumalangoy sa himig na pinaparating.

Sinusuyod ang bawat lirikong sumusuyo sa aking puso.

Lumalangoy sa bawat salitang naiiwan sa aking isip.

Ang himig ng pag-ibig,

Nagbibigay kahulugan sa pusong umaasa.

Na sana, sa bawat paggising,

Ako pa rin ang sinisinta,

Na lubosang ikaliligaya.

Sa bawat araw na lumilipas,

Ako'y nahuhulog sa himig ng iyong pag-ibig,

Ang araw ay sumisikat,

Kahit ang puso ay nalulumbay.

Binibigyang kahulugan ang paglalakbay

Ng pusong nangangapa sa kasugotan.

Isang araw, hindi na ako matatakot,

Dahil alam kong nariyan ka't naghihintay,

Kasama kong naghahanap sa mga kasagutan.

Kasabay ka sa aking pagbulong kay tadhana,

Na sana ang oras ay tumigil kapag ikaw ang kasama.

Isang araw, hindi na ako magtataka,

Kung sa bawat taludtod ng Himig ng iyong pag-ibig,

Ako ay lubos na makakaramdam ng saya,

Isa ka sa musikang kay ganda pakinggan.

Isang Himig ng Pag-ibig na kay sarap balikan.

Kung darating ang araw ng aking paglayo,

Iyong himig aking dadalhin

Sabay pa rin nating kakantahin

Ang mga sandaling hindi kailanman makakalimutan

Ikaw ang siyang Himig sa musika ng pag-ibig.

Malayang lalakbayin ang tugtugin,

Na hindi naluluma sa paglipas ng panahon.

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon