Entry #23 - Empty I love you

13 1 0
                                    

Empty "I love yous"

Mapapagod, pero magpapahinga.

Mapapagod, pero hindi susuko.

Magdududa, pero magtitiwala.

Malulungkot, kaya tatangis.

Mananahimik, dahil makikinig.

Mananahimik, dahil makikiramdam.

Mananahimik, dahil may hinihintay.

Mananahimik, dahil may kinikimkim.

Mananahimik, dahil sa sakit.

Mananahimik, pero hindi ibig sabihin na lilisan na.

Magagalit, pero hindi papadaig sa emosyon.

Magagalit, pero pipiliin ka.

Magiisip, dahil iyon ang tama.

Kakapit, dahil may pinanghahawakan pa.

Ang sabi hindi araw-araw mahal mo ang isang tao. Naniniwala ako doon, bakit? Kasi may mga pagkakataong napapagod kang ibigay ang lahat, nasusuklian ngunit sa tingin mo'y hindi tama. Ang pagpaparating ng mga mensahing nagsasabing mahal mo ang isang tao'y nagbabago din kung hindi nasusuklian ng tama. Ang pangintindi natin ay may kasukdulan din. Ang paghihintay natin ay may pagtigil din.

Nagsisimulang mapaisip kung tama pa ba ang ginagawa, kung tama pa ba ang pagkapit. Walang mali sa'yo, walang mali sa kaniya, ngunit may pagkukulang na ikaw ang pilit nagpupuno ngunit hindi nasusuklian ng kaparehas ng ibinibigay mo. Hindi humihingi ng kapalit ngunit ang puso ang siya mismong naniningil. Pakiramdam mo'y wala kang karapatang humingi ng sobra, ngunit iba ang sinisigaw ng damdamin. Nais din nitong maranasan ang mga bagay na ipinaramdam nang nagsisimula pa lamang ang lahat sa inyong dalawa. Gusto mo 'yon, ang sigla ng dati.

Ngunit, sa dami ng mga katanungan, siya pa rin ang pinipili. Sa paglubog at pagsikat ng araw siya ang unang mamumutawi sa iyong isip. Kung kaya't kung hindi man ikaw ang mahal araw-araw, ikaw parin ang pipiliin sa huli dahil iyon ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Nagtitiis sa kung anong ibinibigay dahil iyon ang landas na pinili mong tahakin. Mali ba ako? O ganoon ko lang binibigyan ng kahulugan ang kasalukuyang nararamdaman. Kung mali ako, itama mo ako, itama ni'yo ako.

At kung dumating man ang araw na ikaw na mismo ang sumuko't lumayo, 'wag kang mag-alala, hindi ko na ipipilit ang kagusutuhang manatili ka. Ikaw ang aking papipiliin, kaligayahan mo ang uunahin. Mahal kita.

- BARE MINIMUM.

8/11/22

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon