Entry #2 - Abandonado

82 4 3
                                    

AbandonadoTula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abandonado
Tula

Nakakulong sa nakaraan,

Naghahanap ng paraan,

Upang isang araw makawala.

Sapagka't kay hirap ang maniwala,

Na mayroon pang handang sumalo

Sa puso mong abandonado.

Iniisip ang mga sandali,

Minsa'y di mapakali,

Bakit palaging sumasagi?

Mga alaalang nais nang iwaksi?

Dahil lubos nang nasasaktan,

Ang puso nais kang pakawalan.

Dati ang pagkakaalaala ko'y

Ika'y akin at ako'y sa'yo

Ngunit ngayo'y naglaho na

Ang puso'y nilisan na.

Ang masayang ikaw at ako'y

Parte na nang masasayang nakaraan.

Sa tingin mo, pwede pa ba?

Maaari pa bang maibalik?

May pag-asa pa ba?

Minsa'y gusto kong bumalik,

Ngunit kay hirap nang umasa,

Puso'y takot nang maabandonado.

- END -

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon