Entry #17 - Pinagkaisa

30 1 0
                                    

PINAGKAISA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PINAGKAISA

Compilation of my student's poems.
(Written in Filipino.)

Pinili ko ang mga tulang nakakuha ng aking atensyon.

1. Lihim ni S.C.M

May mga katanungan,
Wala pang kasagutan.
May mga dipinasyong,
Sari-saring pilantig.

Tila ba mga baybay,
Iba't iba ang pantig.
Pag-ibig na mula sayo'y,
Kasing tamis ng pulot.

Damdami'y liwanagin,
Na gustong makapiling.
Sa eksaktong panahon,
Sa eksaktong tagpuan.

2. Kaibigan by H.M.M.

Laging napapatawa
Kahit saan mapunta
At kapag may problema
Ako'y pinapasaya

Palaging nakagabay
Sa ano mang liwayway
Sa pagsubok sa buhay
At hindi sumusuway

Laging naggagabayan
Dahil walang iwanan
At ika'y mamahalin
Hanggang huling hantungan.

3. Pagtingin ni J.M.

Simpling minamasdan ka,
Ba't di ako nagsasawa?
Wala ka mang ginagawa,
Sayo ako'y namamangha.

Pero ako'y nagtataka,
Ano nga ba ang mayroon ka?
Ba't sa'yo ko nakikita,
Bagay na wala sa iba.

Ang alam ko na pagtingin,
Di ko na lang sasabihin.
Sulyap lang mula sa akin,
Saglit lang at di mo pansin.

4. Tayo lang Itay ni AM.G

Itay, parang tayutay,
Di pweding mahiwalay.
Dahil ikaw ang gabay,
Sa liwanag ng buhay.

Lahat ay kayang ibigay,
Puso'y kayang ialay.
Malayo man ang baybay,
Tungo sa tagumpay.

Mahina man ang lagay,
Kahit ako'y matamlay.
Ika'y hari ng taglay,
Amang walang kapantay.

5. Mahal ko ni J.E.HM

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hinahanap
Nang ako'y iniwan mo
Nawasak ang mundo ko.

Di alam ang dahilan,
Bigla nalang iniwan.
Labis na nasaktan mo!
Bigla nalang iniwan mo.

Nang ako'y iniwan mo,
Tumigil ang mundo ko.
Kahit na sinasaktan,
Bakit ba ikaw pa rin?
Bakit ikaw ay mahal pa rin?

6. Durog kong puso ni N.M.A

Damdamin ko'y sagutan,
Ikaw ang kasagutan.
Sana'y maunawaan,
At huwag isapilitan.

Kamay mo'y hahawakan,
Lakbay sa kadiliman.
Daig ay kaligtasan,
Sa mabuting samahan.

Tuktok ng kabundukan,
Lawak ng kagubatan.
Tayog ng kalangitan,
Ako lang at ikaw pa rin.

7. Pusong ligaw ni J.D.D.

Puso ko'y di mapukaw
Tunog nito'y mababaw
Sakit kurot ay saklaw
Mahal pa rin ay ikaw

Puso ko'y sumisigaw
Lungkot ay lumilitaw
Kain lang ng sitaw
Damdamin ko ay ikaw

Puso'y di makagalaw
Pinipili ay ikaw
Na parang isang langaw
Hanap pa rin ay ikaw.

8. Ang gabing marikit ni M.C.

Ako ay nakaupo
Sa ilalim ng puno
Na nagmumunimuni
Sa ibong umaawit

Hindi ko na napansin
Malalim na ang gabi
Na ako'y nakatulog
Sa ilalim ng puno

Ang tangi kong ilaw ay
Ang mga lumilipad
Na mga alitaptap
Na may gustong sabihin.

9. Pinagkaisa ni E.P.

Iba't ibang hangarin
Iba't ibang mithiin
Samu't saring paniniwala
Samu't saring pagtitiwala

Pinagkaisa ng pangarap
Pinagkaisa ng pagmamahal
Iisa ang sinisigaw
Pangarap para sa pamilya.

Nagsimula sa kaklase
Ngayo'y kaibigan nang ituring
Kasama sa kalokuhan
Kasama sa tagumpay

Pinagkaisa sa paaralan
Pinagkaisa para sa kaunlaran
Pinagkaisa sa pangarap
Pinagkaisa ng pagmamahal
Sila ang aking mga mag-aaral.

10. I'll leave this blank.

Kung mayroon kang naiisip na tula, pwede ka sa akin ay magpadala, nang ating mailagay sa natitirang slot na ito.
________________________

Note:

Mamimiss ko kayo. 😭😭😭

Lovelots! Ciao! 💕
- Bb. A.

10-10-2019

-END-

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon