Entry #6 - Ang Maliwanag kong Hangarin

55 2 0
                                    

Ang maliwanag kong hangarin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang maliwanag kong hangarin

- Ginoong Makata

Tinahak ko ang landas, Na gabay ko ang undas,

Ng iyong pag-ibig na wagas

Hatid ma'y hampas, Di kaya ang antas

Ng ugnayan nating walang wakas.

Hinanap ang ginto

Hirap pero di humnito

Hanggang bumukas ang pinto

At hawak mo ay ang aking puso

Bakat ang nakaraan

Ngunit tiyak ang kinabukasan

Dahil sayo ang hantungan

Buod ko'y iyo lamang

Sarili ay galak

Sapagkat nakita ko ang dilag

Binibini ako'y bihag

Ng mga mata mong pilak

Gayunpama'y sawi

Ang araw ko'y hawi

Sa gitna,

at sa gitna ng pagkalugmok

Ikaw ang humawi

Kulang man ang sandali

Pahabol ay pasakali

Hatid ko'y pasasalamat

Para sa prensesang munti

Yaring timpla'y patawarin

Ang utak ko'y puno ng hangin

Nais lamang ihatid

Ang maliwanag kong hangarin.

-END-
------------------------------- ---------------

[A/N]: Wala akong masabi dahil maganda ang pagkakagawa ng Tulang ito. Credits kay Ginoong Makata. Hehe. Maraming salamat sa handog mong tula, masaya ako na naging parte ka ng masaya kong nakaraan.

Lubos na gumagalang,

Amanda =)))

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon