Entry #4 - Unang Pinusoang Musika

59 3 0
                                    

Unang Pinusoang Musika (UPM)Sanaysay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang Pinusoang Musika (UPM)
Sanaysay

Narinig mo na ba yong kantang 'Tadhana' ng Up Dharna Down? Ang ganda sa pandinig nuh? Sa kahit ang version nito. Lalo na pag sobrang inspired ka. Nangingiti ka pa jan tuloy ;) lalo na pag na-i-imagine mo si crush, noong mga nakaraang araw nga sa Hallway ng School, nakasalubong mo siya at tuwang-tuwa ka naman. Halos bugbogin mo na nga si Bestfriend sa mga hampas mong walang humpay dala ng pagkakakilig mo abot hanggang bone marrows mo. Yong simpleng pagsulyap niya sayo o yong ilang Segundo niyang eye contact niya sayo na feeling mo nasa Cloud 9 ka na. Aisuss!!

Eh yong kantang 'Walang iba'? Naaalala mo pa ba noong kinanta niya yon sa'yo? Habang kausap mo siya sa kabilang linya ng Cell phone mo sa mga oras na iyon halos hindi mo mapansin ang nangyayari sa iyong paligid. Ikaw naman si Ateng sobrang kinikilig at parang may nagrarambolang paru-paru sa tiyan mo na abot hanggang sa puso mo. Syempre, hindi niya naman nakikita facial expression mo, kaya ikaw, ngiting-ngiti to the highest level. Minsan pa nga'y sa sobrang sarap ng usapan niyo'y naabutan na kayo ng hating gabi. Iba talaga pag andyan siya, kahit boses lang niya'y kahit oras ay di mo lubos mapansin.

Hayyy, ang sarap umibig eh nuh? Pero hanggang kalian? Hanggang kalian nga ba? Hanggang kalian aasa? Pamilayar siguro ang iba sa inyo sa lirikong iyon. Isa po yon sa mga bagong kanta ni Michael Pangilinan. Hindi naman po sa promoter po niya ako pero maganda rin kasi yong nais ipahiwatig ng kanta, para rin po kasi yon sa mga umaasa. Marami po tayo jan! I know! 'HAHAHasula' nga daw sabi ng tawa ni Kurt Fick and 'Your feeling Upside Down' sabi sa kanta ng 6 cycle mind. Yong mga hindi maka-move on jan, yong labis nang nasasaktan pero go pa rin ng go at yong nagdusa dahil akala mo pareho kayo ng nararamdaman pero ang endig 'one-sided-love-story' lang pala ang lahat. 'Madami nga daw ang namamatay sa maling akala'. 'Atik rah' diay to tanan. So sad. Naging T-A-N-G-A ka na nga sa kanta ni Yeng Constantino, nag-assume ka pa daw ng bogang-bongga! So much for bitterness!

Eh ngayon, narinig mo naman yong kantang Porque ng bandang Maldita! Aisuss!! Natatawa ako minsan kasi relate din ako jan mga bess! Nakakaganda kasi minsan! Yong feel na feel mong magmuni-muni sa kwarto. Bawat liriko ng kanta ay sobrang sapol sa puso mong Broken. Kay pait nga naman ang mawala siya ng parang Bubbles. Right? Left? Haha! Yong minsan kulang nalang isubsob mo sa unan ang pagmumukha mo para makalimot ka't kamuhian mo siya para madali ang maka-move on sakanya. Kumbaga sa Nobelang nabasa ko 'Your Struggling to Hate him!' But you can't, because you still love him. awwww... =)))

Pero alam mo kung anong mahalaga sa lahat? Yong nangingiti ka habang nakakrelate ka sa mga nababasa at naririnig mong mga kanta. Dahil alam mo, jan sa puso mo na isa lamang ito sa mapapait at masasayang alaala nabuo sa nakaraan mo na nagturo sayo kung paano mag move on. Kung paano ang tumayo sa sarili mong mga paa, kung paano maging malakas at kung paano matutong ngumiti sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo.

Isa lamang siguro ang mga kantang nabanggit dito ang nagpaluha, nagpakilig at nagpangiti sa iyong makulay na buhay pag-ibig. Mapakulay blue man ito, Black and White o full of Colors kagaya ng Rainbow pagkatapos ng little showers ng madilim na ulap sa langit. Madami-dami ka pang mga UPM jan o Unang Pinusoang Musika, wala din yang kataposan kagaya ng pagmamahal. Ayeee... kaya 'Ngiti' ka lang bess, sakaling mahumaling din siya 'Someday' sa'yo sabi nga sa kanta ni Niňa. Mayroon ding darating na 'Mr. Right' o di kaya'y 'Perfect Girl' para sa'yo. Yong taong sasabihin niya sa'yo na 'You'll be safe here' kagaya ng kanta ng Rivermaya o di kaya yong kakantahan ka ng 'Sila' kagaya ng kanta ng bandang SUD. Kaya wag kang mapagod maghintay! Be positive! May magandang plano sa'yo ang nasa taas. =) Don't be too Nega! Wag maging bitter! Ang Importante... ay mahalaga! =P Peace yow!!! =D

[A/N]: I'm so Inspired by Marcelo Santos III sa mga oras na to at sa mga kantang bagong downloaded sa cellphone ko. Kaya napahaba ang Hugot ko sa sulitang ito. Hopefully, maging Inspirasyon din ang Unang Pinusoang Musika (UPM) sa inyo! Bess (Kakwak)!!! Salamat sa mga song suggestions! =))) 

PS: Readers, tap ur comments, corrections and suggestions and not bad criticisms. Bad yon. I'll bite you po.. haha!

#ThingsonmymindUPM (I'll try to stalk this hashtag :* Annyeong!! 'xoxo'

Nagmamahal

LookingForUnknown ;)

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon