Entry #13 - Kaibigan

40 1 0
                                    

KAIBIGAN

Humigit kumulang sampong taon

Sampong taon na sinusulyapan ka

Hinahangaan ang iyong pagkatao

Ang bawat sandali'y parang mahika

Kay ningning ng iyong mga ngiti

Ngiting mas nagpahulog saakin ng kay lalim

Umaasang balang araw makita mo ang tulad ko

Tunay na humahanga at nagmamahal sa'yo

Sa taglay mong may pintas man o wala

Para saakin ika'y perpekto

Sa isip ako'y para lamang sa'yo

At sa kahit ano man ika'y para lamang saakin

Matagal ko itong kinimkim sa kailaliman ng aking puso

Sana balang araw makita mo din ako

Mas higit at malalim pa sa ating pagkakaibigan

Hiling ko ang iyong kaligayahan sa bawat sandali

Dahil sa'yo, naging makabulohan ang kalahati ng aking buhay.

Gusto kong umahon mula sa'yo ngunit mahirap pala

Sa tagal ng panahong lihim na paghanga

Naging malalim na ang damdamin ko sa'yo

Mahirap maglihim, pero mas mahirap ang umamin

Pero tandaan mo, andito lang ako

Pipiliing maging masaya para sa'yo

Lubos na gumagalang,

Ex-friend 💕

PS: Andito lamang ako, maghihintaya sa oras na handa kang magmahal ng tulad ko..

***
{A/N}: Hi readers! Its been a long time.. I miss u guys 😊 This hugot is Inspired from the one sided love story of my friend.. Wish her all the best for her love life. She deserves more than what she hope for. ❤

PS: 2017 na ganda, andami mo nang pinagdaanan ng dahil sakanya! itigil mo na ang umasa. Marami pang iba jan. Labyo. 😉

Truly yours,

LookingForUnknown 😘

July 20, 2018

-END-

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon