Entry #18 - Sa Liham kong Anghel

25 1 0
                                    

Sa liham kong Anghel(C)Ginoong Makata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa liham kong Anghel
(C)Ginoong Makata

Ang liham kong anghel,
Sa tala ay iginuhit.
O bituing nais maabot,
Sadyang ako'y naaakit.

Ika'y laging hagilap,
Kahit buwan na ay sumikat.
Ikaw pa rin siyang hanap,
Hanggang mata na ay idilat.

O tala asan ka na?
Araw ko'y bigyan ng pagasa.
Kung kahapon ay sawi,
Sana'y masilayang muli.

Sa liwanag ng iyong ningning,
Di hamak lamang ako
Sa kislap ng iyong ngiti,
Ligaya ang dulot nito.

Kulangin man ang linggo,
Kada oras ako'y sa'yo.
Masayang man ang minuto,
Kasiyahan bawat segundo.

Sumikat man ang araw,
Ako'y ulap upang silungan mo.
Bumitaw man ang ulap,
Magsisilbing payong parin ako.

Mapatid man ang iyong pakpak,
Ang lupa ay ating hawak.
Tila di alintana ng dagat.
Ang pagibig kong kay lawak.

O pansinin ang paghanga,
Suriin ang tadhana,
Habaan ang unawa,
Ipaibaya yaring tiwala.

O hangin ako'y humihiling,
Pagbigayan ang panalangin.
Aking liham iukit sa papel,
Ang pagsinta'y ibulong.

Sa liham kong Anghel...

(Our feelings may Rest In Peace. Peace be with you.)

Still,
- LookingForUnknown 👤

12-18-2019

-END-

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon