Entry #24 - SANA 'YONG KAYA NANG MANATILI

9 0 0
                                    

(Sanaysay)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Sanaysay)

"At nakita kita sa tagpuan ni Bathala may kinang sa mata na di maintindihan

Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo

Nung ako'y ituro mo siya ang panalangin ko."

Sarap umibig nuh? Kanta 'yan ni Bb. Moira Dela Torre na pinamagatang "Tagpuan". Sino ba naman ang hindi nahumaling pakinggan ang nakakaantig at nakakakilig na kantang iyon noon? Pero ang tadhana minsan mapaglaro. Akala natin masaya na tayo, may plano palang malaking Plot Twist ang Panginoon sa buhay natin na inaakala nating may Happy Ending na.

Mula sa "Nakita kita sa Tagpuan ni Bathala" hanggang sa;

"... At nakita kita sa tagpuan ng iba

May kinang sa mata na hindi ko mabura

Di ko maintindihan, paano mo 'ko nasaktan ng ganito

Kala ko ba ikaw at ako, pero ba't magisa na ako."

Sakit nuh? Ilan lamang ang sikat na Singer at Songwriter na si Bb. Moira Dela Torre sa bilyong tao sa buong mundo ang naging biktima ng tinatawag nating PAGIBIG.

Sino ba naman ang taong hindi pa nakaranas at hindi makakaranas ng tinatawag nating Pagibig? Hindi ba't wala? Sa ayaw at sa gusto natin darating at darating tayo sa puntong iyan. Tandaan natin na lahat tayo'y nilikha na may kapares. Ang iba, maaga nilang natagpuan ngunit maaga ding nawala. Ang ilan naman ay matagal nang nakikipagsapalaran sa mundong ito ngunit 'di parin dumarating ang tamang tao para sa kanila. Siguro nga, inihahanda pa ng Diyos ang taong iyon para sa "The One" o tamang tao na magbibigay kulay sa tila kulay abo nating buhay.

Sa dinamirami ng tao sa mundong ito, at sa dinamirami ng taong dumaan sa buhay mo, sa tingin mo, ilan kaya sa mga iyon ang Kayang Manatili? Sabi nga nila, hindi titibay ang isang samahan kung hindi dumaraan sa pagsubok. Pero paano kung simula palang sinukuan ka na? Paano kung sa simula lang pala masaya? Paano kung ang tagal ni'yo na pero niloloko ka lang pala? Paano kung sa sobrang tagal ni'yo na, ang isa sa inyo ay bigla nalang napagod at bumitaw?

Hindi naman sa pinag-o-overthink ko kayo. Pero paano nga kung ganoon 'di ba? Normal lang ang magisip ka ng mga ganitong bagay. Hindi naman matatawag na Pagibig kung hindi mo naranasan magisip at tila mabaliw na sa mga ideyang ganoon.

Ang tunay na pagibig ay hindi palaging masaya. May kalakip din itong sakit at lungkot. Sana makatagpo ka ng taong hindi ka ipagpapalit sa panandaliang saya lamang. 'Yong ikaw lamang ang nakikita niya hanggang sa Pagtanda. 'Yong kahit mahirap na, ikaw at ikaw parin ang pinipili araw-araw. Ang mahalaga ay kung sino ang kayang manatili sa tabi mo sa hirap man o ginhawa.

11/04/23

Things in my Mind - POEMS & SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon