nang minsang . . .

1 0 0
                                    


Dinalaw ko siya, upang damayan. Ngunit hindi, hindi niya ako pinansin.

Nang minsang narinig ko ang gusto niya, agad ko siyang pinuntahan, alam ko kasing hindi niya iyon makukuha o magagawa man. Ngunit hindi, hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya, at ipinagpatuloy ko rin ang paglapit.

Nang minsang nakita ko ang nakikita niya, nilapitan ko agad siya. Pero, hindi, hindi niya ako pinansin. Kahit alam kong nasasaktan na siya't kailangan ng karamay, nagtago ako, malapit sa kaniya. Hindi ko siya puwedeng iwan.

Nang minsang makita at matanggap niyang narito nga ako, umiyak siya. Umiyak siya nang umiyak, pilit akong pinaaalis, ngunit hindi, hindi ako umalis. Kailangan niya ng karamay, hindi ko siya iiwan.

At nang mapansin niyang hindi ako umaalis, sinubukan niyang saktan ang sarili. "Hindi, pakiusap. Itigil mo 'yan," nais kong isigaw ngunit hindi ko nagawa. Mas lalo niyang sasaktan ang sarili kapag nalamang narito pa rin ako.

***
#EEEWhatAreYouAfraidOf2.0

a villein's memoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon