“Alam mo ba kung bakit malapit lang ang mga simbahan sa munisipyo?” ‘ika ni Mayor Ronald sa kausap.
”Ngayong nabanggit mo ‘yan, ngayon lang napansin,” sagot ng kausap nito.
Natawa ang mayor sa sinagot ng kausap. “Kung ganoon, hindi niya alam?” isip-isip nito.
“Magkadikit ang simbahan at gobyerno. Simbahan ang sinusunod ng gobyerno. Isa sa mga impluwensiya ng Kastila sa atin noon.” Nginisihan niya lang ang kasama.
“Pero hindi ba‘t isa na itong kahangalan kung maging ngayon susundin pa rin ito?” usisa niya.
“Mukhang tama ho kayo,” tanging sagot ng kausap.
“Ikaw! Bakit ka ba narito?” asik niya rito.
“Hindi ba‘t kailangan n‘yo ho ng kausap?” simpleng sagot nito.
“Kung ganoon, samahan mo ako.” Tumayo ang mayor at sinimulang maglakad palabas ng opisina. Sinundan naman siya ng kaniyang kausap.Ilang hakbang lang ay nasa tapat na sila ng simbahan. Seryoso lamang si Ronald nang pumasok sa loob, tila may hinahanap. Sinundan pa rin siya ni Chris, ang kausap niya kanina pa.
“Diyan ka lang!” sita ni Ronald kay Chris.
“Masusunod po,” nakayukong sagot ni Chris.Dumiretso ang mayor sa kumpisalan kung saan nag-aabang ang kaniyang matalik na kaibigan, noon—ang Pari ng bayan nila.
“Anton!” sambit ni Ronald sa pangalan ng pari.
“Ronald! Pari na ako, respetuhin mo sana ako,” asik ng pari sa kaniya.
“B-bakit mo ‘to ginagawa!?” nanggigigil na sabi ni Ronald.
“Alam mong malaki ang pagtutol ko sa simbahan! Bakit?” dugtong niya.
“May pagtutol ka sa simbahan, oo. Pero malaki nga ba talaga? O sumidhi lang ito nang pinili ko ito?” usisa ng pari.
“Anton!” nanggagalaiting sigaw ni Ronald.
“Mahiya ka sa sarili mo, Mayor!” sigaw sa kaniya ng pari.
“B-bakit mo na—” naputol ang sasabihin ng mayor nang lapitan siya ng mga pulis.“B-bakit kayo narito?” naguguluhang aniya.
“May natanggap po kaming tawag, kayo raw po ang pasimuno ng bentahan sa lugar na ito,” sagot ng isang pulis.
“A-ano?” kunot-noong aniya.
“Pakana mo ba ito, Anton!?” sigaw niya sa pari.
“Sumama ka na lang sa kanila,” mahinahong sagot ng pari.Kinaladkad siya ng mga pulis. Pilit siyang nagpupumiglas.
“Chris!? Tulungan mo ‘ko!” sigaw niya sa kasama kanina.
“Chris!?” sigaw niya habang nagpupumiglas.
“Chris! Tulungan mo ‘ko!” sigaw niya pa. Nang makaalis sa hawak ng mga pulis ay nilapitan niya ito at kinuwelyuhan.Nagtaka ang mga pulis sa inakto ng mayor. Sumisigaw na tila ba may kaaway.
“P‘re, epekto siguro ng droga. Mukhang naghahallucinate na,” biro ng isang pulis.
“Kunin n‘yo na ‘yan!” sigaw ng isa pa.“Father, pasensiya na po sa abalang ito,” paumanhin ng isang pulis.
“Ayos lang. Ang mahalaga‘y nahuli na siya. Sana lamang ay maging maayos na siya,” pahayag ng pari.
“Hindi naman kasi talaga ganiyan ang kaibigan kong iyan, hindi ko alam kung paanong nalulong siya sa droga,” emosyonal na dagdag nito.
“Sige ho, Father. Mauuna na ho kami,” paalam ng pulis.Nang makaalis ang mga pulis, isang ngisi ang nakita sa mukha ng pari.
BINABASA MO ANG
a villein's memoir
Short Storya collection of flash fictions written in the group El Escritor's Esfera from 2018-2020