50 words story (or less)

3 0 0
                                    

Prompt:
See the end of the world.
Be a prose writer.

“Gusto mong maging manunulat?” tanong sa akin.

“Pangarap kong makapagsulat at gusto kong maging magaling na manunulat," nakangiti kong sagot.

“Kung makikita mo ang simula at wakas—”

“Mas gugustuhin kong makita ang wakas. Pagsusulat ang mundo ko, at kung sakaling matapos iyon... Gusto kong makita kung may narating ba ako."

***

Prompt: Jane was angry with her father.
(show don't tell)

“Pa! Pati ba naman damit ko ipapamigay ninyo nang walang paalam!?” sigaw ni Jane sa ama.
“Iyon bang gray?” mahinahong tanong ng ama.
“Papa naman, e! Gagamitin ko 'yon, e!” angil niya pa.
“Anak, mamaya na tayo mag-usap. Maligo ka muna. May maligamgam na tubig nang nakahanda. Relax lang, Jane!”

***

Prompt: Maligamgam
(show don't tell)

Hindi siya mapakali sa nararamdaman. Init na init sa suot na damit. Pagkarating sa kanila'y agad niya itong inalis. Nagpahinga sandali at di kalauna'y naghanda ng pampaligo. Pagkadampi ng tubig sa balat ay naginhawaan siya, hindi mainit at hindi rin malamig; sapat lang upang mapawi ang pagod na nararamdaman.

***

Prompt: Kahel
(show don't tell)

Muling humalik ang araw sa karagatan, makikita ang magandang kulay na nilikha. At sa panibagong simula, muli itong aahon at ipapakita ang kulay na iyon.

***

Prompt: Earth

Habang tumatagal, painit nang painit ang Earth. Ayon na rin sa ilang pag-aaral, ito ay dulot ng tinatawag na climate change at global warming.
Ngunit ayon sa paniniwala ng mga ibang tao “free trial sa impyerno” ang nangyayari. Sa isip ko naman, baka naman kasi impyerno na talaga to.

***

Prompt: An Apple's Strange Past

”Oy! Kanina ka pa tulala diyan, a?” bungad sa kaniya ng kaibigan. Tila ba nagtatakaa.
“Kung ayaw mong kainin 'yan, ako na lang ang kakain!” Akmang isusubo na nito ang mansanas nang bigla niya itong inagaw.
“Bakit kasi tinititigan mo lang? Wala ka bang balak kainin 'yan?” tanong nito.
“Wala,” aniya. “Isang kasalanan ang pagkain sa kaniya,” dagdag niya pa.
Napakunot-noo ang kaibigan. “Sinasabi mo?” anito.
“N-nakita ko!” biglang usal niya.
“Ang ano?” pagtataka ng kaibigan.
“Ang nakaraan ng mansanas na iyan. Hindi siya dapat kainin, o pinitas man lang una pa lang,” seryosong aniya.
”Iyan ang pinagmulan ng kasalanan...”

***

Prompt: An Apple

Hindi niya kailanman ninais na magkasala. Naging masunurin lang siya, hindi iyon pagkakasala. Sumunod lang naman siya.

Ngunit... “Huwag mong gagalawin ang mansanas na iyan, ipangako mo,” muli niyang narinig ang bilin sa kaniya.

Napakagat-labi siya, nagsimulang manubig ang kaniyang mga mata. “Kasalanan nga kaya iyon?” munting tanong sa isipan.

***

Nang lumabas sa kanilang tahana'y tanto niya nang hindi siya kailanman makababalik pa. Sapagkat ang mga kasangkapa'y waring nagkakasayahan, at maging ang tahana'y sumasayaw. Hindi na siya nararapat pa roon.

(30 words story, mystery with personification)

***

Mayroong isang anghel na siyang dumating;
Nagbigay pag-asa—naging huling hantungan.

(couplet)

a villein's memoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon