Piling Eksena

1 0 0
                                    

Kung siya lang ang papipiliin, hindi siya sasama sa laban na iyon. Hindi niya itataya ang sariling buhay, ngunit hindi. Kailangan niyang sumama, hindi para sa sarili ngunit para sa pamilya, at mga kaibigan. Lahat silang magkakaibigan ay sumama sa labanang iyon. Hindi niya piniling maging sundalo dahil sa sariling kagustuhan, pinili niyang maging sundalo para sa lahat. Hindi niya hahayaang mapahamak ang mga mahal niya sa buhay nang wala siyang ginagawa. Sumali siya dahil kasali ang mga kaibigan.

"Handa na ba ang lahat?" huling bagay na narinig niya bago magdilim ang lahat.

×××

Wala silang kapahi-pahinga, iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya. Gusto niya nang magpahinga. Kung hindi lang talaga sila sabay na inaatake ng kalaban, baka posible pa.

"Huwag kayong matakot. Atin ang labang ito!" sigaw sa kanila ng pinuno. Napapikit siya sa narinig, humihiling na sana, tama nga ito. Muli, nagsimula ang palitan ng putok. Tumayo siya sa pinagtataguan at sinimulang magpaputok.

Sa hindi inaasahan, natamaan siya, natumba at papikit-pikit. "Makakapagpahinga na rin . . . sa wakas . . ." aniya bago tuluyang malagutan ng hininga.

×××

Hindi lang iisang beses na naulit ang senaryo ng dalawang panig, kahit di ninais ay namatay sila—para sa pamilya, para sa kaibigan, at para sa kinabukasang inaasam ng bayan.

Paulit-ulit na paggamit ng dahas, ilang buwan ang lumipas bago tuluyang nagwakas.

Sa huli, walang naituring na panalo.

Dahil lahat ay nawalan.

***
#EEESnapshotInTimeRerun

a villein's memoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon